I am supposed to go to Quezon to meet Bluep pero for some reason hindi siya sumasagot sa aking mga calls at text. Ayaw nya ako ma meet
. Kaya kesa naman ma sad ako kailangang maglibang ako. Actually wala naman sa itenirary ko na usyosohin ang Ocean Park dahil nagsawa na ako kakausyoso sa Sea World when I was assigned in San Diego. Pero naalala ko si Nanay nga pala di pa nakakapunta doon kaya call ako sa house and I asked her na lumuwas ng Manila ng early Monday morning tapos sunduin ko na lang siya sa bus station.
Kaya after ko magcheck out sa hotel pagkatapos ng EB tinawagan ko si te Beng para samahan na lang ako magpa haircut. Pagkasi na sasad ako gusto ko may gawin akong changes … at nakasabay ko pa si DJ Durano sa Vivere Salon sa Gale. Oh well di naman yata siya sikat saka di naman ganun ka wafoo kaya la lang hehehe.

Sabi nung hair dresser naglulugas daw yun hair ko at nagsuggest siya na magpaprotein treatment daw ako. Sabi ko lang sige GO! … tutal wala naman akong gagawin that afternoon. Nalugas yata sa sadness … di ko maisip bakit ayaw ako i meet ni Bluep
. Buti pa si Revsiopao kahit kaka meet ko pa lang sa blogosphere gusto ako i meet… Hmmn sana si Bro. Utoy din gusto ako i meet
The following day sinundo ko na si mother at si brother sa bus station tapos punta na kami sa aming destinasyon. Mas ok pala pag maaga nagpunta kasi after an hour siguro biglang dumami yung mga tao at syempre mahirap ng mag park. 400 and entrance fee, medyo bitin kasi di naman gaano kalakihan ang lugar or baka nasanay lang ako sa malalaking amusement park dito sa US. Pero oks na din kasi mahirap din mag maintain ng mga isda… imagine pati si Santa nag-aalaga sa kanila.

Tapos ikot-ikot lang kami sa loob at syempre pityur pityur. Muka naman natuwa si Nanay at si Bro sa mga isda.

me-nanay-jay
Para sa mas madaming pityur paki click na lang po ang link. Cute naman nakita ko ulit sila nemo kaya kahit di ako nakapag dive nakumusta ko naman sila.
Pagkatapos namin nagpunta naman kami sa Luneta para magbigay galang kay Lolo Jose. Lam nyo naman na makabayan akong tao at palaging nagbibigay pugay sa ating mga bayani… ehem Proud Pinoy!

me and lolo jose

3 stars and a sun

Tapos kumain kami sa Dampa. Yummy ang sarap ng sinigang na isda sa miso saka pork belly na inihaw. Hmmn sa susunod na entry ko na lang yung mga foodz na ni lafang ko. Oh well dito sa Luneta ang kilometer zero. Pagatapos ng Christmas celebration namin sa bahay sisimulan na namin ang road trip to Vigan.










wow, ilang beses ko ng nadadaanan ang rizal park pero bata pa ako ng huli akong nakapunta doon. i miss manila so much na!!!
Yabi: ako din miss ko na… gusto ko na ulit bumalik…
salamat Cindy sa pagdalaw … Happy New Year! God bless.
Ginagawa pa lang yang Ocean Park na yan nung umuwi ako sa Manila. At hindi naman nabisita ang Luneta…gusto din sana namin pumunta dun tsaka sa Intramuros eh…
Thanks sa mga pics buti nlng mahilig kyo mag take ng pics at nkita ko rin ito. nasa plan din namin ang Ocean Park para kumain sa under the sea resto nung pagkauwi ko kaso di na natuloy kasi sobrang daming dapt ayusin “Behave” .
And we’re glad na nabisita namin kyo kasi Santa Claus pla kyo pag December. Lols!
awww. dami mo talaga napuntahan. sayang havent gone to those places when i was there. cguro preschooler pa lang ako the last time i saw luneta…..sana after the eb tinawagan mo ‘ko. i just slept all day. sana nakasabit ako sa inyo papuntang ocean park and luneta haha
hanep talaga!
gamit na gamit ang canon 400d camera.
akala ko kami na ang pinaka-adik sa cam nila utoy at p0kw4ng… may mas matindi pa pala… he he.
at talagang pose sa km.0 at sa dambana ni lolo jo.
nagulat naman ako at extra pala ako dito. he he.
porgib mo na si bluep. grabe din ang pinagdaanan nun nung christmas season dahil sa pagpalit niya ng server at ngayon e mag-lo-launch pa ng 4 new blogs para 5 na. hataw di ba? {teka bakit ako ang nagpapaliwanag? he he…. paging bluep!}
i really look forward to meet you in person sa US.
dapat maplano na natin ‘yan nila panaderos, lov-a-lot, etc. kahit super tagal pa.
thanks for sharing your pinas sojourn libz. ciao!
Yabi: lols obyus na pala ang ka adikan ko magpityur pityur
salamat po sa paliwanag … next time siguro ma meet ko din si bluep…
sana nga rev eb eb naman tayo dito… sali din ang mga toinks!
haii ang pinas..nakakamiss maglakad sa luneta ung me kasamang ka HHWWSSP hehehehe..
Yabi: uy si arnie reminiscing… at sino naman yang dinadate mo sa Luneta huh?
wow luneta, tagal ko na ding di nagbibigay pugay kay lolo joe ah! andun pa din ba mga gwardya sibil nya?
sipag mong lumaboy mama Libs, wish ko talaga one time makasabay tayo ng uwi
Yabi: sige sige tapos lalaboy din tayo kung saan-saan