Sobrang tuwa ko ng magplay pa yung mga old casette tapes collection ko ng mga album ni Francis Magalona. Super crush ko kasi siya talaga and I am into rapping when I was young hehehe. Nagamit ko ang talent ko sa rapping when I ran sa Student Council. May naaliw naman at nanalo din
Bait ng brother ko pinagtyagaan niyang iplay and record yung 6 Tapes tapos niconvert niya as mp3. Yung Rap is Francis M Yo! tape was 20 years old … Nilalagyan ko kasi ng date yung cover and minsan naman may dedication kung sino ang nagbigay. Akala ko display na lang sila pero I am so happy talaga ng ma recover ko pa lahat ng songs. Totoy na totoy pa ang boses ni Francis.


Halata naman sa unang picture yung kalumaan. Halos nabasag na yung plastic cases. Oh well ngayon kasama na sa playlist ko ang mga songs na narecover… Classic
.
Kasama sa itenirary ng bakasyon ko ang pagpunta sa mga stores ng FMCC. Since nasa MOA kami one time dumaan kami sa Neo-Chinatown location to buy some shirts. Cool nga kasi pag bumili ka ng dalawang shirts may libre pang CD.

Pero yung ibang shirts nakipabili na lang ako sa Broadway. Naka 6 shirts din pala ako hehehe… Di naman ako masyadong fanatic no?

And here are my new collections… Nakaka 12 na pala ako. Eto yung first 6 shirts ko


Love you Francis… God bless… Kaya mo yan Idol!!! alam kong 4th chemo cycle na ang laban mo at alam ko din na malalampasan mo ang lahat ng pagsubok. I’m praying for you.











base!
para una ako… he he.
bago magbasa.
Yabi: hahahaha si rev talaga di maunahan ke bilis
napakatalented mo talga mami libs!dapat mapakinggan ang boses na yan!padalhan mo kaya si kiko ng sample?hihihi!
at si bro mo ang tyaga nga!hanep!
pwede paarbor ng isa sa mga shirt?
kung makakalusot lang
Yabi: ay sori pag kiko collectibles nakikipag sabunutan ako at di pedeng arborin lols
wow! super fan ka pala ni francis m.
i also like the way he raps.
we pray for his healing and recovery.
thanks for sharing yabi!
Yabi: oo nga rev ang hirap ng pinagdadaanan nya ngayon sana gumaling na siya
Inggit ako gusto ko din ng madaming shirt nya, 3 pa lang meron ako..huh..huh..andami na nung sayo…….
Pero buti meron ka pa mga cassette nun??? hehe..napaghahalata….
Yabi: halata ka diyan hehehe… aminado naman ako na 5 years old pa lang ako fan na ako ni Francis
ay ako din ay lab him kase bebe fez sya forever… kahit may sakit no?
hanga din ako sa kanya kase kahit english o tagalog pa i rap ang galing galing… paborito ko yung kaleidoscope world nya
tuwa din ako sa shirts nya kaso feeling ko mukhang sako sakin yan kase hip hop landi ako magsuot di hip hop luwag…ahahahahha
Yabi: issey meron naman yun parang baby tee… di lang kasya sa akin hehehe kaya yun malaki binili ko
It made me think where are the cassette tapes I have. But not of Francis M. Of Eraserheads. See the technology? Cassette tapes appear to be obsolete now but seeing them are so uplifting in a way. Your shirts are so cool! I am thinking of buying too!
Yabi: thanks for dropping by Byron… Yup do buy some… they look great! … Represent!
natatawa ko ke kuya rev.. kumuha ng base
astig astig.. gusto ko din ng mga shirts nya..
Sana nga tuluyan na syang gumaling..
Yabi: bile ka din kimpots … cute suot… Proud Pinoy!
makabayan ka pala ha? akalain mong mahalungkat mo pa rin ang lumang tape ni francism! penge na rin t-shirt! joke..nakidaan at nakibasa lang po, add na kita ha!
Yabi: salamat sa pagbisita… sure add add
i want those shirts too, im inggetera
waaaaaah….until now,hinahanap ko pa yung pic namin ni Kiko (kelangan talaga, first name basis)
at ngayon ko lang naisip ni reformat yung laptop ko nung december at nadelete ang mga pics, ang saklap……
i like francis m. he’s cool!
Yabi: tsk sayang naman bat wala na sa FS yun pic
oo nga sana gumaling na siya kahit di kami ganun ka close.. marami din siyang naging influence .. ^^
Yabi: sana nga cindy… let’s keep on praying
Inaabngan ko ‘tong i feature simula nung nabanggit nyo ito, nakalimutan ko na nga rin itanong. hehehe! iba tlga si Ate Libay taas noong makapinoy.
Sumasaludo sa inyo Buyoy!
Nag try din pala akong mag hanap ng mga tshirts ni Francis sa may edsa wala paraw pala sila duon.
Yabi: Buyoy sa malapit sa MOA , Neo-chinatown saka sa Broadway dun palagi madami stocks
fanatic ka pala… ehehehe ako yung yo lang nabili ko nun.. grabe.. ilang taon lang ako nun.. ayoko ng sabihin… mabubuking ang edad.. pero astig at naitabi mo pa.. ang galing! gusto ko yung mga shirts!! hihihi
Yabi: uy meron din siyang YO! … mahahalata ka din ni Lhay
tama ka, miss libay, francism rocks! (erm.. raps?!) all time favorite ko pa rin yung kaleidoscope world. at hindi pa rin nawawala sa isipan ko yung live performance niya dati sa amoranto stadium nung 19ewan. pinagtripan siya ng mga pangks habang nasa stage pero asteeg siya’t hindi natinag
Yabi: nyahahaha 19ewan naaliw ako dun … pero astig talaga si idol kiko!!!
Super duper over to the maximum level fan ka talga ni francis m.!
Nde ako mahilig sa rap pero naappreciate ko namn ung mga kanta nya, lalo na kapag kinakanta nya ito ng live sa tv.. coolness!!
Ang ggara ng mga tshirts! proud to be pinoy talga! astig!
Yabi: syempre isigaw sa mundo at ipagmalaki!!! Proud Pinoy!
Ay! penge din ng t-syert…ganda ng koleksyones mo Tita Libs… Cassette tape mas matibay talaga yan kesa CD’s.
Francism…galeng perfromance nya with Ely B. Super Proxy. Sana nga makarecover na sya agad. Prayers for Kiko.
Yabi: parang mas matibay nga tita A kasi yung cd pag puro gasgas na pangit na tunog… Yun nga lang pag di naman naalagaan yung tape at madumi yung player kinakain at nalulukot na lols
aba, number one fan talaga ang Libay namin ni Francis M.! Pati yung three stars and a sun, pinapakyaw.ü
i’m praying for his recovery too. aba, ang mga songs yata nya ang patok sa JS Prom namin noong araw.
“…Lord, have mercy on me,
coz I’m feeling kinda lonely.
Would you be, could you be
my one and only…”
wohoo!
Yabi: kinilig naman ako ulet… naalala ko pa nung huli mong kinanta sa akin yan *wink*
alam mo sana kahit wala na xa
wag nating kalimutan na nagkaroon ng francis m. d2 sa pinas
na pinagmalaki ang sa boung mundo ang pnas
at ngayong wala na xa ARE YOU READY TO DEFEND THE 3 STARS AND A SUN?
kaht wala na xa d xa mawawala sa aking puso at alaala kac i also love rap music kaya ipagpa2loy natn ang nacmulan nia
madam,
papasa naman po ng the mouth…kung meron kapo mp3 heres my email lonelyclown08@yahoo.com 4 my personal collection lang po:)
LONG LIVE”THE ONE AND ONLY KING OF PINOYRAP”
RAP IS FRANCIS M….
SIMULA PAGKABATA,IKAW NA ANG INIIDOLO,MGA KABABAYAN KO ANG ISINISIGAW SA BUONG MUNDO,KAYA SAYUNG PAG LISAN BUONG MUNDO ANG NAGKAGULO,MULA APARRI HANNGANG HULO,KAYA KUNG ASAN KA MANG AKING IDOLO,MANANATILI KA SA AKING PUSO AT YAN AY TOTOO”
LONG LIVE”THE ONE AND ONLY KING OF PINOYRAP”
RAP IS FRANCIS M….
SIMULA PAGKABATA,IKAW NA ANG INIIDOLO,MGA KABABAYAN KO ANG ISINISIGAW SA BUONG MUNDO,KAYA SAYUNG PAG LISAN BUONG MUNDO ANG NAGKAGULO,MULA APARRI HANNGANG HULO,KAYA KUNG ASAN KA MAN NGAYON AKING IDOLO,MANANATILI KA SA AKING PUSO AT YAN AY TOTOO”