Nabigla ako sa email na nareceived ko galing sa kumare ko. Last Sunday pa yung email kaso hindi ko nabigyang pansin agad dahil sanay naman ako na palagi nya ako pinapadalhan ng mga forwarded emails. Since naging abala ako nitong weekend dahil sa swimming competion ng playmate ko plus pumasok ako last Sunday to cover a one shift dahil may na release na naman na isang contractor.
Considered off ako today dahil may ginawa akong Maintenance Activity kagabi kaya pwedeng late magising. Actually, nagising ako sa tawag ng ex ko. Tinatanong kung dumating na yung huling package na pinadala niya. Nakalimutan ko kasing mag text na na received ko na. Syempre di pwedeng uminit ang ulo ko dahil may mali din naman ako… (annoyed) kung naconfirm ko na dumating na de sana di ako nagising …. hmmmmkei. (pahiram muna nun tito cabronie).
Enough of the intro… kinakalma ko pa kasi yung sarili ko, di ko pa din matanggap na may breast cancer yung kumare ko. Nagreply ako sa email nya na sana spam lang yun at hindi tutuo… kaso sumagot at nagconfirm na tutuo nga. Nadetect naman ng maaga so sabi nya manageable pa ito. Takot lang siguro ako sa salitang cancer dahil nawalan na ako ng isang kaibigan dahil dito.
Ang aga ko ngang tinawagan yung Nanay ko para puntahan si Mare dahil may schedule daw for operation (radical mastectomy) … oo inaamin ko di ko alam kung ano yun… tangga (pahiram muna boboJ) ako pagdating sa mga medical na terminology pero pag kasi nadinig ko yung salitang operation medyo kinakabahan na ako dahil ang naiisip ko agad yung hinihiwa, dugo, tatahiin at mga bagay na ayokong naiisip. Pagkatapos nun chemotheraphy na ang kasunod. Which is ayaw ko ding maisip dahil ang naaalala ko naman ay si idol Kiko na nawalan na ng buhok dahil sa treatment.
Hanggang ngayon di ko pa din maipaliwanag yung nararamdaman ko. Nagtataka lang ako kung bakit si Mare pa yung nagkaroon ng ganun. Considering nasa medical field siya, walang bisyo kundi kumanta at mag-alaga ng mga pamangkin nya. Health concious din naman na masasabi yung tao na yun. Hay ewan!
Sa mga kaibigan ko na nagbabasa ng blog ko. Tulungan nyo ako mag pray na sana maging successful ang operation ng kumare ko. Na bigyan siya at ang pamilya niya ng lakas ng loob para mapagtagumpayan yung mga hinaharap nila ngayon.
Papa Jesus! Bless nyo po si Mare, mabait po yun … pagalingin nyo po siya huh! Wag nyo muna kukuhanin kasi wala pa siya asawa ei… Pupunta pa siya dito sa US para magkaboyfriend ng maputi
. Bless nyo din po sila Mama at Papa duon para di sila masyado mag worry masyado. Amen.










hope maging okay si mare soon… buti nadetect ng maaga
nakikipray din ako..
ahm, natawa naman ako sa hiniram mong “tangga: kay brosia