It was 2004 ng una akong magkaroon ng interest sa pag da dive. Sa Dugong Dive Center @ Club Paradise in Dimakya Island, ang name ng instructor is Rolf Winkelhausen. Nice and friendly guy, i aassist ka niya in a way na mawawala yung takot mo at puro enjoy lang ang maiisip mo. 
Ang tendency kasi pag first timer yung matakot, isip mo baka malunod ka kasi malalim. Pero pag anduon ka na tapos makikita mo yung mga makukulay na ibat-ibang klaseng isda, coral reefs at turtles makakalimutan mo na yung takot.
After ng dive na yun sinabi ko sa sarili ko na dapat mag-aral ka para magkaroon ka ng certificate. Kaya pagbalik namin ng Manila nag enroll ako agad ng Open Water course. The course consists of lectures, pool exercises and the final dive.
I finished the lectures and pool session sa Manila. Kaso lang I had a call from my agency na I have to go back to US dahil magsisimula na yung bagong project ko. Pero ako kasi yung tao na pag may naumpisahan na di pwede na hihinto na lang ako ng di ko narating yung finish line. 
Kaya naghanap ako ng accredited school na pwede ko ituloy yung nasimulan ko. PADI is international naman kaya yun dito na sa Texas ako nakakuha ng certificate. The name of my instructor is Harold Barnard. An old diver pero kagaya ni Rolf mabait siya at makwento.
Sa mga di pa nakaka experience ng diving. Try nyo di kayo mag sisisi … super sarap!
Advertisements
Leave a Reply