1pm – Kalahati pa lang ang natatapos sa dose oras na duty ko. Bukas ulit dose oras pa hays! Nagsisimula na ako mainip. Buti na lang ka conference chat ko ang mga pipol of the 80’s. Recently kasi biglang nagsi appear ang mga ate at kuya ko sa CIC. Yung kwelang batch na inabutan ko nung ako ay plebo pa lamang. Mula ng ma-add ko sila sa YM araw-araw may conference chat ako kina Tomas Cruz at sa mga beautiful mommies.
Pero kanina di ako masyado maka chat, pasingit singit lang kasi naman sumabay yung tatlong cell site na bumagsak Ugh! Syempre kailangan iescalate… mabuti na lang at hindi sa side namin kundi sa microwave ng customer kaya wala na akong kailangang gawin kundi hintayin na ma fix ang trasmission at kusa naman ng mag-up ang mga sites.
Natapos ang chat matutulog na sila dahil umaga na sa Pilipinas. Buti pa sila matutulog na ako eto duty pa din. Binuksan ko yung TV, palabas yung Hihintayin Kita sa Langit… Hays lalo ako nainip kasi sa Batanes ang location ng movie. Kahit luma na yung movie makikita pa din kung gaano kaganda yung lugar. Bigla nag flashback sa akin ang magandang tanawin sa Batanes. Kung kailan dalawang tulog na lang at sasakay na ako sa airplane saka pa ako lalong naiinip at na excite na umuwe.
Sana bumilis na yun oras … tapos nasa Pilipinas na ako… pero dapat pag nasa Pilipinas na ako mabagal yung oras para matagal ako duon 😛
Advertisements
Leave a Reply