Naalala ko nung college ako, nagkaron ako ng crush sa Civil Engineering department si Jerome – Member siya ng Archery team. 12pm palagi yung practice nila bago kami mag klase sa Physics. At sa mga ganong oras nakasilip na ko sa bintana para makita ko siya… Hindi kasi ako masyado kuntento dahil nasa 3rd floor yung room namin at sila naman nasa ground floor yung practice area tsk kalayo di ko ma view mabuti… hmmm naisip ko isa lang ang paraan para naman mas makita ko siya ng malapitan… ang sumali sa team 😛
Pero my goodness… mahirap pala. Akala ko kasi basta hatakin mo lang yung string at saka mo bitawan oks na. Hindi pala… para akong na hazing… nagpasa yun kaliwang braso ko dahil pag di ka sanay tatamaan ng string yung balat mo at magkukulay violet siya kahit maglagay ka pa ng arm protector.
Pero sabi ko sa sarili ko ito lang ang paraan para palagi ko siyang makita. Kaso na brokenhearted ako huhuhu may nililigawan na pa lang classmate nya. Kaso ilang weeks na din ako nag tratraining at mabait yung coach namin saka yung ibang players. Tapos ok ang grupo kakain kayo sabay-sabay yun bang nakakamay walang maarte… Kahit yung karamihan sa grupo anak mayaman pero game sila… ok silang makisama. Lalo na si coach na instructor ko din sa Physics. Muka lang siyang strict pero cool siya … kapangalan pa nya Nanay ko.
Sa huli nagfocus na din ako para matuto… hindi na yung para lang sa crush ko… Sinama pa kami ni coach sa laban nung mga senior players sa SCUAA sa Bulacan. Ok yung experience. Ang hindi lang oks kulang sa budget at walang masyadong gamit. Syempre yun mga anak mayaman parents nila mismo ang bumili ng mga pana nila. Eh nakupo di kaya ng Nanay ko yun baka ako pa panain nun pag nanghingi ako ng pambili.
Hindi man ako nakasali sa competition at hindi man naging kami ni Jerome. Para sa akin isang magandang experience yung natuto ako at nagkaroon ng kaibigan na parang pamilya ang turingan.
Dahil kumikita na at may trabaho na pinag-ipunan ko na makabili ako ng sarili kong pana. At paminsan-minsan nagprapractice na sana bumalik sa dati yung laro ko. Medyo hirap lang ako dahil malabo na yung mata ko at hindi na katulad ng dati.
Pero basta may chance … gusto ko pa ding pumana.
Ngayon may bago ulit akong inspiration at siya naman ang palagi ko iniisip para ako ay magpapayat na hehehe. Sinimulan ko na ang jogging at ang Wii fit. sana maging successful 😛
Leave a Reply