I feel great today una kasi nabisita ng mga wafoo at super bloggers and blog ko sino pa ba kundi sina Azrael, Bro. Utoy, Bluepanjeet and Badoodles… Sila kasi yung mga peborit bloggers ko. Mga madalas kong usyosohin na blogs. Syempre sina Taroogs, Pot at Kopiko din. Mga blogs na cool!
Another reason to feel great – Today is my 1 Gallon donation day sa Carter BloodCare. Since 2001 kasi nag dodonate na ako ng blood sa kanila and ang sarap ng feeling na naka isang galon na pala ako. Yun last two attempts ko kasi na mag donate hindi nila ako pinayagan kasi mababa yun hemoglobin level ko. Donors with hemoglobin values of less than 12.5g/dl may not donate any blood component. The last time kasi 11.8g/dl lang. Sabi dapat kumain ng meat and ayun kanina 13.2g/dl ako.
Sa blood bag na ito inilalagay yung blood component. Pagkatapos ng mini physical exam like checking of body temperature, blood pressure, pulse at hemoglobin level kailangan mo muna sumagot sa questionaire nila. A series of questions which include yung mga place na pinuntahan mo prior the donation kasi may mga country na nasa red list at pag galing ka duon hindi ka din papayagan mag donate.
Medyo matagal din yung process kaya picture picture lang ako lols. Anyways parang project din ng office namin ito. May pumupuntang bus from Carter at dala na nila yung facilities then park lang sa harapan ng office para doon na lang pupunta yung mga employees na gusto mag donate. Pagkatapos ng donation pag papahingahin ka muna ng mga 10 to 15 minutes with some juice and cookies. Then they will give you a t-shirt.
Ang sarap ng pakiramdam yung alam mo na may maduduktungan kang buhay from your donation. And para sa akin itong ginawa kong donation today is for Francis Magalona. Sana tuloy-tuloy ang kanyang recovery.
Wow! Idol! hehehe.. Sana makapagdonate din ako ng blood kaso kulang nga din ako sa dugo eh.. Toinks! hehehe.. Sarap ng feeling kapag nakakatulong sa ibang tao. Astig talga kayo mam! two thumbs up!
Yabi: Jorge salamat sa palaging pagbisita… Pero may request sana ako. Gawa ka ng gravatar para may picture din na lumilitaw pag nag cocomment ka… Aba sayang ang mga photoshoots mo sa Malaysia pag di na display hehehe…. Visit this link http://en.gravatar.com/site/signup
wow! that’s nice libay! galing talaga ni libay.. 1 galon… grabe.. ako kasi di pwedeng mag donate.. anemic daw ako.. di ko alam kung ano yun.. ganda rin ng t-shirt ah.. pero mas nagustuhan ko yung juice and cookies.. ehehehehe napaghahalatang matakaw ako… galing ni libay!!
Yabi: Juice at cookies hehehe kaw talaga Potsky… pero ang alam ko basta pumasa ka dun sa physical exam pwede mag donate… sabi nga mas nakakabuti din sa atin yun nababawasan ng blood kasi mag-gegenerate naman ng bago ulit… oh well di ko alam ang tamang terminology dun hehehe basta magkakaron ng bago 😛
sana ako rin matry ko to…
sabi after daw ng donation session e nakakapanghina daw, totoo ba un?
ano ung yellow na hawak mo dun?
Yabi: di naman ako nanghina kasi pagpapahingahin ka naman and basta dapat lang more liquid intake pagkatapos… ah yun yung parang stress ball… squeeze mo yun para mas mabilis yung flow ng dugo palabas…
uy salamat nga pala sa pagbisita… dalaw ka ulit 🙂
Eto po, testing lang kung gagana ung gravatar na ginawa ko, hehehe.. Testing 1,2,3.
Thank u po sa link. Interesting po kasi ung blog nyo eh, kakatuwa at kakainspire. In short, astig!
Yabi: o diba mas cool kasi lumabas na ang picture mo…. mas astig ka na ngayon!
wow! bait bait nmn ni libay my friend. kaya ka pala nawala kagabi dahil nagdonate ka ng blood. may matutulungan ka na naman. good job libs. sana ako din makapagdonate din ng blood para nmn makatulong ako in a way. kahit through blood donation man lang. lets pray nlng for francis m na maging speedy ang kanyang recovery. god bless..
Yabi: Bosy try mo mag donate… pramis sarap ng feeling
red cross member ako. super active noon pero dahil nasa ibang bansa ako ngayon, hindi na. lagi din akong nagdo-donate ng blood dati pero not on a regular basis.. kung minsan lang maisipan at kung kailan kailangang kailangan. kung pagsasamasamahin siguro ang dugo na naiambag ko na, meron na siguro dalawang balde bwahahaha.
masarap ang pakiramdam ng kahit paano ay mayroon kang naiiaalay galing sa katawan mo na papakinabangan ng ibang nangangailangan. saludo ako sa mga kusang loob na nagdodonate ng dugo dahil totoo namang may mga buhay na naililigtas dahil dyan.
may card din nga pala ako na laging nakalagay sa wallet.. donor card, in case na may mangyari sa akin.. may pahintulot ang sino mang doktor na kunin ang organs ko na mapapakinabangan pa sakaling ako ay mamatay sa aksidente 😛
Yabi: Kaya nga idol kita… lam ko tumutulong ka palagi inde lang blood ni share mo pa sa mundo ang talent mo sa mixing…. pati sweat.
…wow!! libs, good job!!! dami mo na nadonate na dugo..ako never pa natry although gusto ko…di nga lang pede last time nagattempt ako kasi bago pa alng piercing ko.sayang!
…hmmm, nalilinya na tayo sa mga tulong sa kapwa..ipupursue ko na talaga pagtulong sa mga distressed OFWs dito..sana nga pumatok..although planuhin ko na pagbalik ko galing bakasyon!=)
..lola…astig shoes mo ah!nyahahahah!!!
Yabi: … hmmmm di kaya irish beer ang lumabas nyahahahaha…
uy maganda yang plano mo… kasi yung pinsan ko na kwento sa akin minsan daw naglilibot siya sa mall sa dubey tapos may nakasalubong siya na pinay may dalang shopping bags akala daw nya dami pinamili… tapos bigla lumapit sa kanya sabi “Kabayan adobong mani? Bili ka?” Nagulat daw siya dahil nag sa sideline pala mag benta kaya madaming bitbit. Diba kalungkot din na dumayo pa sa Dubey para maglako ng paninda? Goodluck and Godbless dyan sa plano mo.
aba at yung DM’s ko pa nagpagtripan mo lols… Parusa nga yan ei kabigat… Kaso kapag ganitong malamig na yan at boots lang ang oks na isuot kasi ginaw ginawwwww…. astig lols
wow, very noble ang blood donation, kasi hindi pera, hindi words kundi sarili mo talaga ang ibinibigay mo. you make Francis M. very proud, Lib.ü
sa modelling naman ng T-Shirt,
aba, move over, Rosa Rosal!
Narito na ang bagong postergirl ng blood donation!!!ü
God bless!
Yabi: Lols pede na akong model ng blood nyahahaha
Huwaw saludo ako sayo Kopiko! Nung college, lageng may blood donation campaign sa school namin. Syempre sumasali ako dun. Para ano ba naman yung isang bag ng dugo ko na alam kong makakapagpabgo ng buhay ng isang tao. Natatandaan ko pa yung token of gratitude na binibigay ng red cross. Umiilaw na ballpen, na napakinabangan ng girlfriend ko noon, na syempre ex girlfriend ko an ngayon. Amp nauwi sa lablayp. 😆
Yabi: Kopiko talaga oo… seryoso na nung una… sa huli babae na naman… tsk tsk behave okei?
kinilig naman ako dun at kasama ako sa top three peyborit bloggers mo pala. top 4 pala, [parang ihinabol lang no?]. haha.
di nako makapagdonate ng dugo dahil tattooed nako. kumbakit kasi hindi ako nag iisip na maaaring makasagabal pala ang pagpapa-tattoo para makagawa ng isang kapaki-pakinabang na bagay sa lipunan.
Yabi: Uy inde kaya… nasa blogspot pa lang ako taga usyoso na ako ng blog mo… ay asan yun tatoo… pakita lols
buti ka pa, nakapagdonate na ng dugo. matagal ko nang pangarap yan actually pero sa kasamaang palad, ginawa lang pincushion ng medtech ang veins ko noong nagdonate sana ako ng dugo last year. After 50 ml of blood, nagconstrict ang aking veins at ayaw ng maglabas pa ng dugo, unless magpapaturok na naman ako uli sa ibang site. Eh sino ba naman ang may gustong turukan uli? Kapal kaya ng karayom nila di ba?
Anyweyz, I’m sure magiging useful para kay Francis M ang pagdodonate mo ng dugo. Sana maulit pa itong muli.
Yabi: sayang naman bad experience pa nangyari sa pag dodonate mo… toinks naman kasi yung nag attend sa iyo.
Uy maraming salamat pala sa pagdalaw sa aking blog. Dalaw ka ulit 🙂
ayos yan, magandang simulain yan…
Yabi: 😛