Maligayang Unang Anibersaryo sa Litratong Pinoy. Isang malaking karangalan na maging bahagi ng Litratong Pinoy.
Narito ang aking ang lahok sa buwan ng Abril sa temang Paboritong Litrato.
Ang Batanes ang isa sa pinaka gusto kong lugar sa Pilipinas. Ito ang lugar na para sa akin ay masarap balik-balikan. Magsasawa ka sa pagpindot sa camera mo dahil kahit saan ka bumaling maganda ang iyong makikikita. Kung gusto mong magpahinga, magmuni-muni, lumayo sa ingay ng mundo… para sa akin Batanes is the place.
Marami akong litratong nakuhanan sa apat na araw kong pamamalagi sa Batanes pero ang dalawang litrato sa itaas ang masasabi kong paborito ko. Una yung kuha ko kay lola. Ang bahay niya ang pinakamatandang bahay sa Batanes. Nakakatuwa siyang kausap palaging may ngiti sa kanyang mga labi.
Pangalawa ay ang kuha ko sa mga batang nadaanan ko habang ako ay naglalakad sa bayan ng Sabtang. Larawan ng kamusmusan, puno ng ngiti at pag-asa.
ang ganda ng iyong mga litrato.
I also want to go to Batanes…anong buwan ka pumunta dun? parang ang ganda ng weather..summer ba? grabe am sure magugustuhan ko ang pag punta dito…
Yabi: It was May 2005 ng mag visit kami sa Batanes. Mas ok pag summer mahirap kasi ma standed pag tag-ulan… DDefinitely magugustuhan mo yung place kaya… Biyahe na ๐
Kahet kelan talaga ang gandang subject ng mga bata noh?! Anu nga bang meron sa kanila? Hehehehe.
Yabi: Korek ka diyan Joycee… siguro yung pagka inosente ng mga bata … yun ang meron…
Sabi nga diba be child like… not childish ๐
Maganda talaga sa Batanes. Balak ko rin makapunta dyan balang araw.
Mailgayang bati ka-LP!
Yabi: Maligayang bati din Rico. Sana makapunta ka na soon… Pramis maganda talaga.
ay, may litrato kami ni Lola rin:) at tunay ka, ang Batanes ang isa sa mga lugar na gusto kong balik-balikan. super ganda!
Yabi: lols kami din meron… nakakatuwa siyang kausap no? … Sana pag nagbakasyon ako ulit makabalik ako sa Batanes hayssssss
gusto ko yung ngiti ng mga bata… walang halong malisya.. ang ganda libay!!
palakpakan…mahusay ka mami libs..ang galing galing!
ahhhm diba yung Batanes yung laging nibabagyo? anyway dahil sa mga litrato mo naengganyo ako at feeling ko nakapunta na din ako dun…
kakatuwa yung ngiti nung mga bata..ngiting pepsodent amputi ng teeth nila