Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Blast from the past’

Old School

Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa Pinas ng mapag diskitahan ko ang mga lumang album ko. Pagkatapos kong buklat-buklatin … ano pa nga ba? de natawa ako sa mga pityurs ko nuong araw … ang payat ko pa tsk … papayat pa kaya ako ulit πŸ˜› ??? Mahirap sagutin … madaming beses na akong sumubok pero talaga sigurong pagtumatanda na ang tao slow na ang metabolism hehehe. Sana may bumili ng dahilan ko πŸ˜›

Eto ang picture na natawa ako. Kuha ito sa iskul na pinagturuan ko ng ikabit yung bulletin board ng ECOSOC – Engineering Computer Society isang grupo na pinasimunuan ko. Actually gusto ko talagang gumawa ng chapter ng APO that time kaso masungit ang admin di ako nakaporma πŸ˜› .

ecosoc

ecosoc

Ang sumunod naman ay litrato ng mga BSCOE students… Naks totoy na totoy pa si Buyoy kulot na kulot at may braces at neneng nene naman si Rache hehehe. At yung isa pang totoy sa bandang kanan ko yun ang naging hubby ni Rache … hmmn siguro nagliligawan na sila nung mga panahon na yan πŸ˜›

Akalain mong ang totoy na masyadong silent type nung araw eh malapit ng ikasal. Natutuwa naman ako pagkatapos niyang mabaliw at ma flip mapagod sa kakasunod sa isa pang neneng BSCOE student sa wakas natauhan din at kita mo naman na bless ng isang napaka honest na wifey to be.

β€œThe Lord has selective hearing. He doesn’t hear our prayers that will not benefit us or, at worse, harm us.”

Kaya ngayon lang binigay ang sagot sa prayers mo kasi ngayon ang tamang oras.

bscoe students

bscoe students

Natuwa naman akong makita ang old car ko. Kinailangan kong mag part time instructor at magturo from 7am to 7pm para makabili ng kotse. Kaya I am so proud ng mabili ko na siya kapalit ng unang car ko na volks. Kailangan ko na kasing palitan yung volks kasi galit na galit na yung kapitbahay namin sa sobrang ingay… medyo natakot akong mapabarangay hehehe.

my charade

my charade

Patuloy pa ang pagbuklat at paghalungkat ko sa mga lumang album tapos nakita ko itong picture nung may activity sa school kinder yata ako diyan kasama ko pa si brother.

nars libay and jay

nars libay and jay

Nyahahaha ang nanay ko gusto magkaroon ng nurse na anak hehehe hindi ko nakayanan lols… Ewan ko di kaya ng powers ko ang mag nurse… yun ang gusto ni nanay na course na kuhanin ko kaso ayaw ko ng uniform na kulay yellow sa province tapos di ko talaga keri yung dugo-dugo saka makakita ng mga sugatang tao. Baka mauna pa akong himatayin kapag nag-ask sila ng first aid πŸ˜›

Read Full Post »

I am an Artist v2

Kagaya ng naipangako ko kay Lhay na pag-umuwi ako sa Pilipinas … hahanapin ko ang mga old arts chever ko at aking i-shashare. Mahilig kasi ako dating mag paint at mag sketch. Lalo na pag emo mode ako πŸ˜› . Eto at i share ko na sa inyo ang ilang oil paintings at sketch na nagawa ko.

img_4519

img_4511

dsc00836

dsc00837

dsc00841

Mahilig din akong mag cross stitch. Pero ang gusto kong design is something about nudity. May kahalayan ba? Ayaw ko kasi ng mga usual na ginagawa ng iba. Para ba unique naman. Ginagawa ko ang mga yan kapag naka duty ako ng Sunday sa Digitel MSU πŸ˜› kasi ang hirap mag-ubos ng oras dahil purely monitoring at wala namang mga tawag.

img_4521

img_4523

Minsan parang gusto ko ulit mag sketch or mag paint pero kadalasan tinatamad ako o siguro dahil wala na ding oras kaya sa blog ko na lang ibinubuhos yung mga bagay na gusto ko ishare.

Read Full Post »

Tres Marias

3maries

Namiss ko mga tita ko bigla 😦 … Sila yung mga playmates ko nung bata pa ako… From L to RΒ  Shiela Marie, Maria Leilani and Maria Elena… Syempre ako yun batang maliit na nasa gitna at ewan ko kung bakit nanlilisik yung butas ng ilong ko lols. I am glad at ng pinanganak ako di na uso yun may Maria or Marie na idinudugtong sa names. Ala lang … oks naman yun may Mary… pero I like my name “Liberty” πŸ˜›lani-and-me

Pero pinaka peborit ko si Tita Lani. Kasi idol ko siya. Naisulat ko na yata dati pa kung gaano siya ka talented. Magaling sumayaw, kumanta saka mag drawing. Palagi pa siyang kinukuha sa mga sagala at beauty contest.

Ang tagal ko na din pala sila di nakikita siguro more than 10 years na. Ang alam ko lang si ate Cel (Shiela Marie) nasa Manila. si Tita Aileen (Maria Elena) nasa Japan. Pero natuwa ako may nag-add sa akin sa Friendster yung panganay na anak ni Tita Lani (Maria Leilani) at mayΒ comment pa.

musta ka na libay tita lani 2,youve gone a long way, e2 ako a struggling mom working hARD para makabangon ulit after ol of those dark moments in my life.

Medyo nasad ako dahil ang dami na pala nangyari sa kanila at di ko man lang nalaman. I hope to see them pag-uwi ko. Sana makapagbonding naman kami. Ang saya siguro pag-usapan yung mga panahong bata pa kami gumigimik at wala pang iniisip na problema kundi kung papano papayagan at tatakas para makipag date.

Read Full Post »

Commercials

Dati tuwing nanunuod ako ng TV tapos maganda na yung topic sa showbiz chizmax at sasagutin na ng guest ang tanong bigla sasabihin ng host na “Ok sasagutin po yan ni (pangalan ng sikat na artista) after a short break”. Ampft kainis kumbaka nakakabitin limang minutong commercial na naman.

Ganyan din kapag may mga Awards Night or Concert… isama mo na yung mga laban ni Pacman. Loloadan ito ng sangkatutak na commercials. Kaya nga tinawag na Soap Opera ang mga palabas na drama sa gabi dahil noong araw sikat ang mga commercial ng sabon at usually puro commercial ng sabon ang makikita mo in between sa mga palabas na sinusubaybayan mo after office hours.

Inis talaga ako naiinip ako sa dami ng commercials. Mabuti na lang dito nauso na ang mga DVR or TiVo… atleast pwede ko na irecord ang mga palabas na sinusubaybayan ko at iforward pag commercial na. Kadalasan nga ayaw ko ng panuorin ng live yung mga palabas para nga makaiwas sa commercials.

Pero ang tao talaga wala namang kasiyahan. Dati kasi nakasubscribe ako sa TFC dahil sa mga teleserye… tapos na miss ko naman ang mga commercials. Lalo na kapag may ginagawang commercial yung isang kaibigan ko na nagwowork sa ads agency na gumagawa ng commercial sa Pinas. Di ako makarelate hehehe.

Kaya ng makita ko itong site ni maytaodito sa veoh naaliw ako. Kahit papano nakakausyoso ako ng mga bagong TVC sa Pinas. Nakakarelate ako kung sino ang mga sikat na personalidad sa atin dahil syempre pag sikat ka madami kang endorsements. Nakakapang okray na naman ako sa mga jologs na commercials.


May hilig din kasi ako sa film ek ek. Lubhang dipa ko inspired at tinatamad lang ako kaya di ko pa napapagdiskitahan yung mga gusto kong iedit na mga videos. Mahilig ako magtake ng videos sa mga lugar na napupuntahan ko pero nakatambak lahat ng mini dv at di ko pa din nauumpisahan. Hay Libay sana sipagin ka na!

Check nyo yun site actually di lang mga TV Ads may mga teleserye din para sa mga taong wala ng subscription sa TFC. Di ko siya kilala pero ang post na ito ay pagpapasalamat dahil nakasave ako sa pagbabayad para lang manuod ng teleserye. Pero syempre video streaming lang pero pede na din… Libre naman ei πŸ˜›

Read Full Post »

Nayn Ow Tu Wan Ow

Kakatapos ko lang manuod ng dalawang oras na premiere ng 90210. Wala lang masaya lang din alalahanin yun High School days. Actually nagsimula din last weekend kakapanuod ko sa youtube ng concert ng eheads. Bigla ko lang naisip yung nakalipas… hehehe reminiscing kumbaga πŸ˜›

Masaya kasi noong HS. Ang problema lang yung mga exams, recitations at lovelife saka relasyon sa barkada lalo na kapag madami kang tropa. Hindi kagaya kapag mashonda ka na puro trabaho, bills at mortgage ang problema … Hay Layp!

Katuwa lang isipin dati ang routine … Papasok sa umaga, gagala sa hapon then bandang 5pm may training ang mga CAT officer na aabutin na hanggang 8pm kasama na yung pakikipag ligawan sa kapwa mo plebo.

Pag election time naman, yung pag-aasikaso ng mga sayaw at mga kung anik-anik na ipeperperform para sa meeting de avance, mag room to room campaign, gumawa ng speech para makakuha ng boto.

Pag intramurals naman, yung practice tuwing hapon at weekends. Yun bang nagiging ka close mo ng husto yung section mo kasi syempre kailangan manalo kayo. Yun mga away sa pagpili ng design ng uniform… na wala namang magawa kundi gayahin yung mga nasa NBA na design πŸ˜›

Kapag school fair, yung gabihin ka kasama ng barkada… makipag date sa mga semenaristang imbitado. Hanggang sa maaya mo na din lumabas at mag COED ang mga loko hehehe.

Isa pang masaya yung Prom… syempre yung paghahanap ng design sa isusuot ng damit… or maghanap ng mahihiraman. Pakikipag-usap sa mga parlor at salon para sa schedule para magpaayus ng buhok at magpa make up.

Madaming kalokohan … yun pakikipag-away dahil sa boylet at gurlash, pangongodiko, pag cutting class, pag-inom ng Gin and Tonic, Rum Cola at pumasok ng hilo, yung pagdidisco at pagsama sa mga drag race, yun pagnenok ng leakage at isama mo na yung pagvavandalize. Oh well nakakahiya mang aminin. Naexperience ko lahat yun πŸ˜›

Bigla kong na miss ang CIC. Madaming memories na maganda. Maraming dance steps na na choreograph. Maraming masalimuot na relasyon. Maraming kaibigan na nakilala at nakasama. Madaming teachers at madre na napasakit ang ulo. Janitors at Security guards na nasuhulan.

High School life… ay walang kasing saya… Bakit kung graduation day luluha kang talaga? – (Jologs pero tutuo yun!)

Read Full Post »

83008 E-heads Reunion Concert

Tinawagan ako kagabi ng kaibigan ko para mang-inggit na papunta na siya sa concert ng Eraserheads with matching VIP ticket daw. OO na… panalo ka na… hikbi! hindi ako makakapanuod. Kung pwede nga lang mag vacation leave ng one week umuwi na ako para sa Concert na yan.

Syempre naman sila ang dahilan kaya ako natutong mag-gitara. Kaya itinulog ko na lang yung inggit na nararamdaman ko.

Pagkagising ko nabasa ko text ng kaibigan ko na inatake daw si Ely at hindi natapos ang concert. Search search ako sa internet at nakita ko sa Inquirer ang video na ito.

Kahit sa video ko lang nakita yung opening song nila na Alapaap medyo naluha ako. Lalo na siguro kung isa ako sa libo-libong tao na anduon at napapanuod ito ng live. Napakasaya syempre manuod ng concert at makikanta, palakpak at makisigaw duon. Lalo na nga at halos lahat ng kanta ay kabisado ko pa. Kahit makipagsiksikan ka pa at pagpawisan ng todo… ayus lang.

Nakakalungkot lang at hindi pala ito natapos dahil nga sa di inaasahang pangyayari.

Ely – pagaling ka. Sana mag-ok na ang health mo. God bless!

Here are some videos of the Eraserheads performance courtesy of Inquirer and YouTube. ==> Click the links…

Read Full Post »

Do i need to wear a new hat?

I am happy with my current job. The office is just 4 miles from my house. I really saved a lot of gas considering how gas price soars.The work environment is awesome plus the opportunity to learn all the platforms like Service Layer, Prepaid, Core etc.

Last Thursday morning, my former boss asked me if I am interested to work as permanent in his group. Suddenly napaisip ako… Hmmm 7 years and 3 months na akong contractor, yung 5 years dun 100% travel. Dito lang sa current job na ito ako nagtagal ng 2 years na di kailangan mag road trip na naman ng tatlong araw. Lumilipat lang ng work place pero hindi kagaya dati na inter-state ang biyahe.

Ano kaya kung magpermanent ako? So compute, compute at compare compare. Pag contractor ka kasi may perdiem na tax free… malaking bagay yun na mga almost 35% ng gross mo eh hindi ma tataga ng tax ni Uncle Sam.

Kung mag perpermanent ako lahat taxable… pero may Vacation leave, Sick leave, Maternity leave at magandang Medical benefits. Plus mo pa yung Quarterly bonus at kung anu-ano pang perks.

Actually eto yung ayaw kong time yung kailangang mag-decide at mag-isip. Ganitung-ganito yung pakiramdam ko nuong nagwowork ako sa Switch sa probinsya. Nuong na offeran ako lumipat sa Head Office sa Manila.

Sa probinsiya malapit sa bahay. Libre pa nga hatid at sundo dahil mga tropa yung OSP at yung kasamahan sa Switch at sa Sales. Pwede din mag motorbike lang ako nasa office na ako. Pag-uwi sa bahay may nakahanda ng food. Mag maglalaba ng damit ko at magplaplantsa. Sarap hay kailan kaya ulit???!!!

Yung sa Manila. Bagong opportunity, mas malaki ang Sweldo… may mga Trainings at tipong Corporate Life. Di gaya sa probinsiya pwede nga kayo mag tong-its at uminom pag hapon na basta pag nag ring yung phone maayus kang sasagot.

Pero sa Manila… kailangan kong mag commute, umupa ng apartment (maki share pala kasi mahal ang upa), Maglaba at magplantsa ng damit ko… at problemahin pati yung food kasi hindi ako marunong magluto.

Pero pinagdasal ko kay God na kung saan po ako mapapabuti duon po ako ninyo dalin. Ayun nakabangga ko yung supervisor kong malaki ang butas ng ilong. Kaimot kasi ayaw magpahiran ng sasakyan di naman kanya sus. So ayun parang di na ako naging masaya na nakikita ko siya araw-araw. (Actually siguro sa sobrang inis ko napaginipan ko pa yun na hinigop ng malaking elisi tapos naputol putol yung katawan nya…. hehehe weird pero tutuo yun… Tawa nga ng tawa yung kumpare ko ng nakwento ko sa kanya)….Plus may iniwasan pa akong isang relationship na dapat talagang iwasan. Kaya kahit masayang mag-abang ng fishball sa hapon sa tapat ng office at lumabas ng lunch time para bumili ng pirated cds… Lumuwas ako ng Maynila at nagpa-usok at nakibaka sa traffic.

Malaking adjustment kasi hindi na aircon yung tinutulugan kong kwarto. Syempre baka katukan ako ng ka share ko sa apartment … kamahal kaya ng kuryente. Every week para akong student na umuuwi sa probinsiya dala-dala yung damit for the whole week at sabik na sabik sa luto ng Nanay ko. Pero natuwa naman ako sa trabaho ko kasi nakakuha ako ng madaming Trainings. Nabigyan ako ng chance humawak ng project at nalibot ko yung boung Luzon.

Naranasan ko isakay yun FX sa boat at tumawid ng Abra de Ilog para gawin yung isang site sa Mamburao. Ang makikanta sa videoke sa Pier habang naghihintay ng boat.(Loko yung may ari sabi sa akin pag naka score ako ng 100 bibigyan ako ng isang litrong coke… Bumirit ako ng I will survive at naka perfect score ayaw ba naman ibigay…Ayun nagalit yung mga nanunuod nung akmang maghuhuromentado na eh natakot yun may ari ng videoke nagbigay na din hehehe.)

Naranasan ko din ang makijamming sa Security guard sa Iba, Zambales habang pumapapak ng isdang yellow pin na inihaw ni manong. Ang makinig sa kwento ng mga Alien sa Binalonan, Pangasinan habang nakikipag-inuman sa Hapon na nag-uupgrade ng switch.

Masaya na mga experience, madaming kaibigan ang nakilala… yung mga dating nakakausap ko lang sa phone at nakacoordinate. Nagkaroon sila ng mga mukha. At ito din ang naging daan kaya ako nakapunta ng Amerika. Yung mga trainings at yung buyo ng mga kaibigan para mag-apply. Sa tutuo lang wala kasi talaga sa isip ko ang pag-aabroad. Kaso lang yung mga katropa isa-isa ng naglilipadan, nalungkot ako na maiwan kaya sabi ko sige nga sali din ako… apply na din.

November 2000 nag submit ako ng application. Wala lang hehehe. Tapos na interview ako then April 2001 sabi approved na daw yung Visa ko at may flight schedule an ako ng May. Nasa Tuguegarao ako ng tinawagan ako ng recruiter. Schedule ko daw ng Monday morning 9:00am sa embassy para sa Visa stamping. OMG lumipad yata yung Tamaraw FX from Tuguegarao to Manila. Nang matatakan na yung passport ko. Saka ko lang sinabi sa Nanay ko na pupunta ako sa Amerika.

Syempre ang Nanay ko ayaw maniwala kasi wala pang isang taon ng magpaalam ako sa kanya na lilipat ako sa Head Office tapos eto nagpapaalam ako na pupunta ako sa Amerika at duon mag tratrabaho. Bakas sa mukha ng Nanay ko yung magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil syempre malayo yung pupuntahan ko at alam nya ang buhay ng nagaabroad dahil dati din siyang OFW. Masaya dahil sino ba namang ina ang di magiging proud na may anak siya na pupunta sa AMerika na ni singko walang babayadan at ng makita nya yung contract na ganitong $$$ yung swesweldohin ko nag multiply na siya at sabi anak di ba joke yan? Sumagot ako na Nanay ako din po ay di makapaniwala na yung isang linggo na sweldo ko sa Amerika ay katumbas na ng isang taongkong sweldo dito sa Pilipinas.

Nakuha akong Consultant!!! hehehe hindi talaga ako makapaniwala…. Pero sa ngayon naniniwala na ako kasi nga mahigit 7 years na ang lumipas at eto nagtratrabaho pa din ako dito at kahit papano nabigyan ko na ng magandang buhay yung pamilya ko.

Ngayon eto na naman ako sa pagdadasal kay God na kung saan ako mapapabuti yuon ang mangyari sa akin. Last Thursday nag submit ako ng resume sa isang Telecom Company dito sa TX. Nagkaroon na ako ng initial interview last Friday, tinanong na ako kung magkano ang gusto kong sweldo. Hehehe syempre tinodo ko na kasi nga lahat taxable na ei. Sabay pray na God kung ibibigay po yung sinabi ko ibig sabihin gusto nyo na ako lumipat duon. 20 minutes yung interview at tinanong ako kung kailan ako magiging available at tatawagan daw ako ulit para sa interview sa Hiring manager.

Yung weekend ko di ko maalis sa isip ko na parang eto na naman… Masaya kasi ako sa current job ko … at mag dadalawang taon na ako dito sa katapusan ng August… Hay ano kaya mangyayari???? Then Sunday 6pm na ako nakapag mass dahil na late ako ng gising. Pinagdasal ko ulit na God bahala na po kayo.

May work kasi ako ng Sunday night kaya wala na akong pasok ng Lunes… nagising ako ng 11am at habang kumakain ako ng breakfast nag ring ang cellphone ko. Tinatanong kung available ako for interview ng Wednesday about 3pm. Sabi ko hindi ba pwedeng lunch time para di makaabala sa current work ko… mabait naman sabi sige Thursday 12pm tapos nag thank you na siya sa akin at expect an email confirmation daw.

Mga 5 minutes may dumating na email may kasamang attachment at sinasabi kung anu-ano ang benefits na maibibigay ng company nila. Nakasulat duon yun pangalan ng Manager na mag-iinterview sa akin. Indiano… hmmmm sana mabango ay mali…. I mean sana mabait πŸ˜›

Kanina habang nasa office ako nagbabasa basa ako at naghahanda sa interview ko. Pero ewan ko parang half-half ang puso ko. Tinitignan ko yung mga kaopisina ko na nakapaligid sa akin. Yung cubicle ko… parang ayaw ko na ewan ko. Pero nagdasal ako ulit na God bahala na po kayo. Basta ako magpreprepare at gagawin ko yung part ko.

Hehehe kwela din kasi ako mag-isip as if naman tanggap na ako hehehe at aalis na. Natuwa nga ako sa mga kaopisina ko na ibang lahi yung mga ka close ko kasi sabi nila pagbutihan ko daw. May nagbigay pa ng mga documents na sabi basahin mo yan baka makatulong. Pero nakakalungkot lang din yung isang kalahi na kaopisina ko. Sinabi ko kasi sa kanya yung idea ko na sumubok mag-apply… sabi niya irerekomenda kita kasi kilala ko yun visor duon pero kailangan sabihin natin ganito yung alam mo kasi syempre pinoy yun ayaw kong mapahiya. Sabi ko na lang ay wag na mag-aapply na lang ako sa kakilala ko ayaw ko na masira ka pa sa kakilala mo dahil sa akin. Hmmm ala lang mas naramdaman ko lang talaga yung suporta ng hindi kalahi. Minsan naman kasi ok din naman yung ibang lahi basta napakita mo sa kanila na ok ka.

Yun tatlong di kalahi nga nag explain-explain pa sa akin na baka daw itanong yung ganito ganun eto ang tamang pagsagot, yung kalahi naman natin sabi ko ay may 30 minutes ka ba pakiexplain naman sa akin ito o… Sabi sa akin naku busy ako! Oh well… baka busy nga at wala siyang 30minutes hehehe.

Basta susubukan ko lang wala naman mawawala sa akin. May trabaho naman ako at walang masamang sumubok. Nakaka excite din naman kasi yung may pumapansin sa resume ko at may tumatawag at nagtatanong kung available ako πŸ˜›

Read Full Post »

Older Posts »