Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Eff’

Ano ba sa tagalog ang being cool?

I bumped in with an old friend … siguro 20+ years ko ng di nakikita … Kita kami sa 3rd floor yosi yosi siya duon habang naghihintay … Pag dating ko uy hindi ka pa din nagbabago hindi ka yata tumatanda … ang cool mo pa din.

Inumaga na ang kwentuhan at kapihan sa tagal ba naman hindi nagkita kwentong memory lanes hindi maubos-ubos… Bigla na naman nya sinabi alam mo kaya tuwang-tuwa ako sa iyo nung High school kasi ang cool cool mo.

Eh ok nga ba maging cool? Yun ang dating sa marami wala lang cool ka lang deadma sa problema at hindi seryoso sa buhay … Siguro kung bata ka pa ok yun pero kapag nagka-idad ka na palagay ko hindi na 🙂

Kasi hanggang ngayon akala hindi ka pa din seryoso, akala hanggang ngayon patawa ka lang palagi … that you don’t really meant what you are saying …

Ilang halimbawa:

1. You end up a some thing na dapat matagal naman na talagang tapos na. Hindi naman trying to be cool yung sinabi mo na … This is it, panahon na yung gumawa ng paraan para matapos yung hindi natin kaya tapusin parehas. You said your piece – Siyempre nagpasalamat ka sa lahat and sinabi mo na hindi naman mawawala yung pag mamahal at may mga bagay lang talaga na hindi na pwede ituloy pa kasi nga hindi naman na dapat. So akala nagpapaka cool ka na naman 🙂 … At saka ka sinagot ng sige paniwalaan mo yung sinabi mo pag nagkita tayo alam mo at alam ko hindi pa tapos. Kahit magkalayo tayo magkikita tayo ulit at alam mo at alam ko hindi pa tapos.

2. You are trying to be appreciative for a great thing that happened so you send gestures and presents para mag pasalamat at mag express ng tutuong naramdaman mo sa nangyari. Oh well ang sagot sa iyo – Pang pito siguro ako sa sinabihan mo nag ganito, baka para kay ano yung message na yan. So bakit ganun diba? Parang unfair naman sa earth na nagsasabi ka ng tutuo at ayaw ka ng paniwalaan.

3. You are trying to correct something dahil you started at the wrong foot. May nagawa ka na dala lang ng pagkakataon and then one thing led to another. Kaya mo naman finifix para maging water under the bridge na. Kaso ang sabi sa iyo sanay ka kasi sa ganyan hindi ka kasi marunong mag commit lahat sa iyo laro lang.

Parang sumpa naman yata maging cool …

Read Full Post »

Krisis

Luminga-linga ako sa aking paligid. Lahat sila ay tutok na tutok sa kani-kanilang monitor. Marahil kagaya ko din nagpapanggap na may ginagawa. Pagkatapos ng ilang araw na kaguluhan balik na naman sa katahimikan. Katahimikan na may kahalong takot.

Sunud-sunod na mga di inaasahang pagkakantala ng serbisyo sa loob ng dalawang buwan. Malawakan, malaking halaga ang pinag-uusapan. Parang laro lang ng chess kung dati mga pawn ang pinapakain para makapagkubli ang hari ngayon bishop at rook na ang kailangang iparaya… huwag naman sanang dumating yung punto na kailangan ng isakripisyo ang queen.

Economic anxiety ang umaatake at tumatakot sa lahat. Ilang kaibigan ko na ang nawalan ng trabaho at madami na ang nagsisimulang tumawag at magtanong kung may alam ba akong proyekto. Meron naman sanang pailan-ilan pero sagabal kapag wala ka pang papel dahil ayaw naman gumastos ng ilang kumpanya para itransfer ang visa o kaya naman ay mag subcon. Karaniwan gusto nila ay direktang transaksiyon.

Ako, ano ba ang nararamdaman ko? Wala ba akong pakialam o sadyang nagpapatianod lang. Kumbaga hanggat pinapapasok ako papasok lang ako. Kapag sinabi ng hinto de hihinto. Siguro sa halos walong taon napagod na din akong matakot at mag-isip kung ano ang mangyayari sa akin kung mawalan ako ng trabaho. Ipinagpa sa Diyos ko na lang lahat. Alam ko naman na di nya ako papabayaan.

Wala naman kasing kasiguruhan lahat. Dati nagplano na din ako na magpa-permanent. Mas mababa ang sweldo kumpara sa pagiging consultant pero sagana sa benepisyo. Pero nitong huli sa isang malaking kumpanya wala na yung tinatawag na years in service kapag kailangang magbawas lahat kayo ay pare-parehong numbers. Wala ng pasintabi… eh ano kung naglingkod ka ng tapat, kung ilang proyekto ang tagumpay mong nagawa o ilang outages ang na recover mo ng mabilis. Numero ka lang sa isang daan kailangang magtanggal ng apatnapu at pasensiya dahil ang numero mo ay 35.

Ganyan ang napansin ko na nangyayari kaya balewala na din kung permanent ka o hindi. Ang mahalaga lang yung may pumapasok pa din na paycheck sa iyo kada ikalawang linggo. Kung ano ang iutos sa iyo gawin mo lang, kung saan ka gusto papuntahin… punta ka lang… sa panahong ito wala kahit sino man ang pwedeng mag-inarte at umayaw … unless nakahanda ang loob mo na mawalan ng trabaho.

Read Full Post »

Walk it like you Talk it! YEAH!

my pedo

my pedo

I started my walking/jogging routine last Tuesday. I usually walk/run for about 1 and a quarter miles per day at the trail near our community. I am obliged need to do it because we have a team competion and how can can i get back to my collegues who walk like they talk 😛

I was LMAO surprised with the email thread when I came back to work this morning…

Hello all,

Below are the “rules” for the walkathon…so read carefully.

As for the competition between the teams, we have decided that the losing team will pay for the winning team’s dinner (alcohol not included)…WHAT?…I know…awful, but we don’t want to break the bank of the losing team!

And during the dinner we would like to have an awards ceremony, so if you have any award ideas as the competition progresses, send me an email.

Good luck to both teams!

Hello all,

On second thought:

You may want to save yourselves the embarrassment of losing your money, more importantly, to me.

No intimidation intended, just want to give everyone a fair heads up.

Had 3.5 miles on the treadmill before 8:30 this morning.  Just sayin’.

Do you mean 3.5 or 0.35 miles?

I am not sure if the Pedometers were configured properly. I walked for 2 miles yesterday and it showed 1.4 miles 😦

I am with you.  3.5 miles on the treadmill this morning and mine only read 2.9 miles.  I don’t think that these pedometers are of the top shelf variety.  More like the 10 for a dollar variety.

Do not rely on the pedometers, they should at most be a secondary source of measuring how much/far you’ve walked/run.  Make sure you use an alternative way of measuring in addition to the pedometers.  I’ve noticed that mine lacks as well.

Were you walking backwards?

Mine went nuts and then belly-uped 2 days ago…

The display sayd: 9999 -> 8888 -> 7777 -> 6666 -> 55555 -> 4444 -> 3333 -> 2222 -> 1111 -> 9999 -> 8888 -> and so on, until it finally closed down for good… Now it won’t start up anymore.

Open a Trouble Ticket with HR

NOT a BO issue, TT closed 😛

Whew! I badly need some more mileage now. I don’t wanna pay for somebody’s dinner though 😛

Ok gotta sign off and walk now…. hmmn or perhaps run. Run Libay run 😛

Read Full Post »

(doh)

Accident – a specific, identifiable, unexpected, unusual and unintended external event which occurs in a particular time and place, without apparent or deliberate cause but with marked effects.

Ke husay ni wiki tumpak na tumpak ang pagkakapaliwanag … at eto nga ang mga marka:

gasgas

gasgas

basag

basag

warat

warat

Ang kawawang Bornoks kakabili ko lang at hindi ko pa nagagamit nakaranas na ng dagok ng tadhana. Nabigla ako at nalungkot ng itext ako ni Nanay na naksidente daw ang kasama namin sa bahay na pinapaturuan kong magdrive. Bigla daw may tumawid na tatanga-tangang nilalang na hindi man lang binabantayan ng isang pabayang nanay na naglalakad ng pasexy sa daan bata at sa kanyang pag-iwas bumangga siya sa isang poste.

Parang umakyat sa 200 over 140 ang dugo ko ng mabasa ko yung text. Imagine kakabile ko lang ng car stereo at kakalagay ko lang sa box na iuuwe ko next week para pagandahin ko ang sounds ni Bornoks ko. Tapos eto ang nangyari. Syempre ang nanay ko nahighblood din dahil alam niya kung gaano ako kaingat sa gamit tapos ibang tao ang makakasira ng gamit ko.

Pero aksidente nga kaya nilibang ko na lang ang sarili ko. Pagka-uwi ko naligo ako at dumiretso ng magsimba… si Papa Jesus lang ang gusto ko kausap sa mga ganitong senaryo ng buhay ko. After ko magsimba nag text ako kay Nanay na huwag na uminit ang ulo at huwag ng pagalitan yung kasama namin sa bahay. Kilala ko si Nanay … parehas kami na pwedeng makapatay yung mga salitang binibitawan kapag mainit ang ulo.

Sabi ko kausapin na lang at sabihin na putiks ka ubod ka ng tanga gusto kitang ipag-umpugan sa pader at paluin ng baseball bat, kung pwede kitang gawing golf ball at paluin ng pitching wedge sa susunod doble ingat ang gawin at palaging presence of mind kapag nagmamaneho.

Pina-estimate na daw nila at 6T ang magagastos para mabalik sa dati. At sabi ko din kay Nanay na wag ng makunsumi pa. Kasi babadtripin mo ba ang sarili mo sa mga bagay na wala ka namang control. Besides isusumpa mo ba o palalayasin ang isang kasama sa bahay na malaki naman ang naitutulong. Nangyayari talaga ang mga bagay na ayaw nating mangyari. Pero kaya nga tinawag na aksidente dahil di naman ito sinasadya.

Ngayon pinadala ko na sa talyer si Bornoks para magawa 3 days lang naman daw at mababalik na siya sa dati. Sabi ko wag na muna ipagamit hanggang sa pag dating ko para naman ma meet ko naman si Bornoks ng maayos. Hopefully bumalik na siya sa kanyang kaaya ayang figure.

bornok

Read Full Post »