Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Life’

going on 21

i was alone in my room looking at the snow globe… thinking of all the possibilities… i want you to know i am not holding back and i love you.

Advertisements

Read Full Post »

Peace, Love, Give Blood

 

 

Read Full Post »

Krisis

Luminga-linga ako sa aking paligid. Lahat sila ay tutok na tutok sa kani-kanilang monitor. Marahil kagaya ko din nagpapanggap na may ginagawa. Pagkatapos ng ilang araw na kaguluhan balik na naman sa katahimikan. Katahimikan na may kahalong takot.

Sunud-sunod na mga di inaasahang pagkakantala ng serbisyo sa loob ng dalawang buwan. Malawakan, malaking halaga ang pinag-uusapan. Parang laro lang ng chess kung dati mga pawn ang pinapakain para makapagkubli ang hari ngayon bishop at rook na ang kailangang iparaya… huwag naman sanang dumating yung punto na kailangan ng isakripisyo ang queen.

Economic anxiety ang umaatake at tumatakot sa lahat. Ilang kaibigan ko na ang nawalan ng trabaho at madami na ang nagsisimulang tumawag at magtanong kung may alam ba akong proyekto. Meron naman sanang pailan-ilan pero sagabal kapag wala ka pang papel dahil ayaw naman gumastos ng ilang kumpanya para itransfer ang visa o kaya naman ay mag subcon. Karaniwan gusto nila ay direktang transaksiyon.

Ako, ano ba ang nararamdaman ko? Wala ba akong pakialam o sadyang nagpapatianod lang. Kumbaga hanggat pinapapasok ako papasok lang ako. Kapag sinabi ng hinto de hihinto. Siguro sa halos walong taon napagod na din akong matakot at mag-isip kung ano ang mangyayari sa akin kung mawalan ako ng trabaho. Ipinagpa sa Diyos ko na lang lahat. Alam ko naman na di nya ako papabayaan.

Wala naman kasing kasiguruhan lahat. Dati nagplano na din ako na magpa-permanent. Mas mababa ang sweldo kumpara sa pagiging consultant pero sagana sa benepisyo. Pero nitong huli sa isang malaking kumpanya wala na yung tinatawag na years in service kapag kailangang magbawas lahat kayo ay pare-parehong numbers. Wala ng pasintabi… eh ano kung naglingkod ka ng tapat, kung ilang proyekto ang tagumpay mong nagawa o ilang outages ang na recover mo ng mabilis. Numero ka lang sa isang daan kailangang magtanggal ng apatnapu at pasensiya dahil ang numero mo ay 35.

Ganyan ang napansin ko na nangyayari kaya balewala na din kung permanent ka o hindi. Ang mahalaga lang yung may pumapasok pa din na paycheck sa iyo kada ikalawang linggo. Kung ano ang iutos sa iyo gawin mo lang, kung saan ka gusto papuntahin… punta ka lang… sa panahong ito wala kahit sino man ang pwedeng mag-inarte at umayaw … unless nakahanda ang loob mo na mawalan ng trabaho.

Read Full Post »

Face Off

I went to tita Raquel’s house to bring my pasalubong from Pinas. Request kasi niya palagi ang butong pakwan hehehe. I saw bornoks b1 in front of the house and syempre natuwa na naman ako kasi nakita ko siya ulit. I parked bordeks sa harapan para mapityuran ko sila πŸ˜›

bornoks b1 and bordeks

bornoks b1 and bordeks

Maganda din naman pala kumuha ang cp na binili ko sa Pinas. Xmas gift ko sa sarili ko Nokia E66. Oks naman 3.2 megapixel, may wifi, gps, 2gigs na memory and oks sa outlook… enough for my needs.

Si bordeks din nanghingi ng aginaldo sa akin. I was supposed to have an oil change kaso may nakitang diprensiya sa front wheel kaya ayun $220 agad … tsk kung sa Pinas to mura lang … mahal kasi labor dito pero sabagay kung mura bayad sa labor dito sa malamang wala ako dito πŸ˜›

axel boots and bearing issue

axel boots and bearing issue

Intay ako ng 1 and 1/2 hrs sa shop. Buti na lang may wifi sila at nagplurk na lang ako habang nakabitin si bordeks at inaayus ang issues.

bordeks

bordeks

Pagdating ko sa bahay kesa mahomesick ako at isipin ko ang mga foodz sa Pinas si hausi naman ang pinagdiskitahan kong ayusin. Inday na naman ako ulit at dahil halos one month ako nawala kailangan ng general cleaning … ok vacuum dito vacuum duon at punas dito punas doon. Di ako nakuntento sinubukan ko naman ilipat ang position ng sofa… new year so dapat new arrangement ng furniture.

hausi

hausi

Hmmn pede na… tapos pinanik ko sa taas yung TV … mabigat din pala kahit 23 inches lang … wala naman kasi manunuod sa baba plus nangangarap akong bumili ng 42 inches sana magsale πŸ˜› . Hanubayan di pa ako nakakaalpas sa credit card bills nag-iisip na naman akong mag swipe…. hmmmn erase erase wag ka na Libay πŸ˜› . Manahimik ka muna at pagpahingahin mo ang credit card napapagod din yan.

01172009029

Ok malinis na oras na para maglaba… tsk tsk yan ang buhay sa america kapag weekend … hays sarap talaga sa Pilipinas meron kang tinatawag na Inday at hindi ikaw ang Inday lols.

Read Full Post »

B2 is back

Lalo ako na excite ng pinadala sa akin ang picture ni Bornok… Kakalabas lang niya sa Belo clinic at maganda naman ang restoration πŸ˜›

Actually parang walang nangyari.

new bumber

new bumber

new signal light

new signal light

Para lang siyang na boob job πŸ˜› . Sa halip na silicone … fiber glass nyahahaha πŸ˜› . Saka kaunting Thermage at Fraxel for natural look. In short repaint hehehe.

At sabi ko wala munang hihipo at hintayin akong dumating sa Monday.

PS.

Sa mga di nakabasa sa nangyari kay Bornok. Eto yung itsura niya before magpa Belo.

PS2.

May kasabihan nga pala na “Kapag may napakadami kang pera tapos pangit ka pa din … Kasalanan na yun πŸ˜› “

Read Full Post »

(doh)

Accident – a specific, identifiable, unexpected, unusual and unintended external event which occurs in a particular time and place, without apparent or deliberate cause but with marked effects.

Ke husay ni wiki tumpak na tumpak ang pagkakapaliwanag … at eto nga ang mga marka:

gasgas

gasgas

basag

basag

warat

warat

Ang kawawang Bornoks kakabili ko lang at hindi ko pa nagagamit nakaranas na ng dagok ng tadhana. Nabigla ako at nalungkot ng itext ako ni Nanay na naksidente daw ang kasama namin sa bahay na pinapaturuan kong magdrive. Bigla daw may tumawid na tatanga-tangang nilalang na hindi man lang binabantayan ng isang pabayang nanay na naglalakad ng pasexy sa daan bata at sa kanyang pag-iwas bumangga siya sa isang poste.

Parang umakyat sa 200 over 140 ang dugo ko ng mabasa ko yung text. Imagine kakabile ko lang ng car stereo at kakalagay ko lang sa box na iuuwe ko next week para pagandahin ko ang sounds ni Bornoks ko. Tapos eto ang nangyari. Syempre ang nanay ko nahighblood din dahil alam niya kung gaano ako kaingat sa gamit tapos ibang tao ang makakasira ng gamit ko.

Pero aksidente nga kaya nilibang ko na lang ang sarili ko. Pagka-uwi ko naligo ako at dumiretso ng magsimba… si Papa Jesus lang ang gusto ko kausap sa mga ganitong senaryo ng buhay ko. After ko magsimba nag text ako kay Nanay na huwag na uminit ang ulo at huwag ng pagalitan yung kasama namin sa bahay. Kilala ko si Nanay … parehas kami na pwedeng makapatay yung mga salitang binibitawan kapag mainit ang ulo.

Sabi ko kausapin na lang at sabihin na putiks ka ubod ka ng tanga gusto kitang ipag-umpugan sa pader at paluin ng baseball bat, kung pwede kitang gawing golf ball at paluin ng pitching wedge sa susunod doble ingat ang gawin at palaging presence of mind kapag nagmamaneho.

Pina-estimate na daw nila at 6T ang magagastos para mabalik sa dati. At sabi ko din kay Nanay na wag ng makunsumi pa. Kasi babadtripin mo ba ang sarili mo sa mga bagay na wala ka namang control. Besides isusumpa mo ba o palalayasin ang isang kasama sa bahay na malaki naman ang naitutulong. Nangyayari talaga ang mga bagay na ayaw nating mangyari. Pero kaya nga tinawag na aksidente dahil di naman ito sinasadya.

Ngayon pinadala ko na sa talyer si Bornoks para magawa 3 days lang naman daw at mababalik na siya sa dati. Sabi ko wag na muna ipagamit hanggang sa pag dating ko para naman ma meet ko naman si Bornoks ng maayos. Hopefully bumalik na siya sa kanyang kaaya ayang figure.

bornok

Read Full Post »

18 days na lang

Ano kaya ang pakiramdam ng mga Turkey? Papalapit na ang Thursday at sila na naman ang sure thing babe na handa sa hapag kainan ng bawat bahay para sa Thanks Giving celebration. Anyway same ol’ same ol’ naman ang aking Thanks Giving day… syempre may pasok ako dahil mga nag avail ng Holiday ang mga permanent employees at naturalmente na kami ang mag cocover. Pero syempre wala ako reklamo dahil OT yun at matindi ang pangangailangan ko para sa aking nalalapit na bakasyon.


Anyways 3 weeks na lang … Lupang sinilangan here I come πŸ˜› … Simula na ng pag-ayus ng aking itinerary … Tuloy ang Baguio escapade ko medyo change plan yung HK part dahil parang mas trip ko mag long drive papuntang Ilocos. Gusto kong magpa picture sa mga Welcome Signs sa Pinas… Hmmn ma break ko kaya yung 30 Welcome Signs ko dito sa bawat state ng US?


roadtrip

Saka gusto ko malaman ang performance ni Bornoks B2 kung kagaya ba siya ni B1 na ever reliable kahit ibyahe from East Coast to West Coast. Mas ok ang bonding time dahil mahaba ang travel time… Plus saya siguro tikman yung mga pagkain na madadaanan sa bawat bayan from Nueva Ecija to Ilocos… Maganda kaya yung daan kapag pabalik na kami ay umikot kami sa bandang Tuguegarao area?


Year 2000 pa kasi ako huling nagpunta sa lugar na yon and malaki yung sasakyan na dala at company car kaya ok lang kahit di kagandahan ang daan πŸ˜› . Syempre inaalala ko din si B2. Naisip ko lang na gusto ko maikot ang Pilipinas. Weird na mahigit dalawang dekada ako sa Pilipinas pero mas madami pa akong napuntahang lugar dito sa US considering more than 7 years pa lang ako dito. Kaya parang nakaka kunsensya naman diba?


Medyo madami na din naman ako napuntahan sa Pinas pero usually yung mga Tourist spots like Batanes, Sagada, Boracay, Palawan, Batangas, Subic etc . Pero according sa mga Pinoy na nakasama ko sa work ang dami nila from different provinces may mga na kwekwento sila na magagandang lugar na hindi naman masyadong na fefeatures sa mga Travel Shows or Travel blogs.


Mga friends nasa picture sa itaas yun mga dadaanan ko baka may suggestions kayo na places na may alam kayong magandang piktyuran πŸ™‚ saka masarap kainan.


No Diving for me this December. Mostly family time and ito ang pinakahihintay ko na makapag pasko ulit sa Pilipinas after 7 long years. Saka it will be purely road trip and ang makipag meet sa mga new and old friends. Saka syempre bibili ng mga new shirts sa FMCC. Proud Pinoy kasi talaga ako. Kung ang mga puti palagi suot ang mga peborit teams nila mapa NBA or NFL ako gusto ko ibinabalandra yung flag ng Pinas or anything na sumisigaw na PILIPINO ako.


May dalawa na akong nausyoso na design and sana ilabas na yung hoodie πŸ˜› tapos merong penk πŸ™‚


defender2dsc02734jacket1

Sa mga OFW try nyo … cute naman mga designs nila kaya REPRESENT πŸ˜›

Read Full Post »

Older Posts »