Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Opinion’

DUI

I am heading to Walmart to buy some stuff. I came across Robinson Rd and Oak Shores Dr. I noticed a bouquet of flowers and a wooden cross. Somebody died on that spot. Mapapaisip ka lang kung papano magkakaroon ng aksidente sa 30mph na street. Tapos school zone pa yun dahil may Middle school na malapit sa lugar na yon na mafoforce kang mag drive ng 20mph.

 

Another drunk driver siguro. It really sucks dahil alam naman nila na their license can be revoked once caught driving under the influence plus makukulong pa sila … but shit heads still do that.

 

Kahit anong pag-iingat ang gawin mo sa pagmamaneho…even you follow all the road signs at magpaka law abiding driver kapag ang makakasalubong mo naman eh salibadyok sa lansangan mahirap talagang makaiwas sa aksidente.

 

Maganda na din yung law dito na kunyari nagkaroon ng inuman sa bahay mo responsibilidad mo yung mga bisita mo, either huwag mo na siyang pauwiin kung lasing na or mag-assign ng isang designated driver or itawag mo ng taxi kung gusto talagang umuwi. Dahil pag pinayagan mong magmaneho ng lasing at nahuli. Pati ikaw may kaso.

 

The problem are those people na nasosobrahan ng inom sa mga bars. Kapag nalasing na silang lahat malalakas pa ang loob na magmaneho pauwi at magpatakbo ng matulin.

 

Huwag nyo silang gagayahin.

Advertisements

Read Full Post »

Toastmaster

I attended a one hour workshop yesterday on Impromptu Speaking hosted by Ericsson Toastmaster. Baka sakali mag improve ako hehehe. And to share what i have learned… eto ang sabi ng speaker:

When Giving an Impromptu talk:

  1. Listen
  2. Pause
  3. Confirm
  4. Tell
  5. End

Strategies

  • express an opinion
  • address cause and effect
  • break the topic into components
  • discuss the past, present and future
  • pros and cons
  • before and after
  • chronological
  • compare and contrast
  • fake it (make it up)
  • bridge
  • intentional misunderstanding

What ever you do

  1. Don’t apologize
  2. Don’t ramble
  3. Don’t invent

Naisip ko lang applicable din ito sa pag gawa ng blog lalo na yung mga strategies. Natawa ako dun sa example nya about the strategy “intentional misunderstanding” . Usually daw ganito ang ginagawa ng mga politician na ini-interview para mailigaw ang nagtatanong. Iniiba nila ang sagot at topic at magsasalita na ng kung anu-ano.

Read Full Post »

Kablog

It’s a long week for me… mabagal ang takbo ng oras kasi may hinihintay ako. It will take a couple of days for my lawyer to receive the request letter. And pagkareceive saka ko pa lang malalaman kung ano pa ang kailangan. Medyo weird nga kasi ako yung tao na sobrang mainipin… yun bang sobrang kulet…usually pag may mga ganyang pangyayari di na ako mapakali… Pero ewan ko … wala lang … basta eto Kewl 😛
Sa opis naman parang nakikisama kasi walang Outage, wala nga akong masyadong ginawa except for the usual Daily Health Check and Routine Maintenance. May isang pinagawa sa akin yung boss ko isang old node na one week ko lang naman ding ioobserve dahil i cut over na din yun sa ibang platform. Tatlong araw na blog ang pinagkaabalahan ko to kill time. Napalitan ko nga ang layout ko at nakapag-usyoso ako ng kung kani-kaninong blog.
Madaming mga tao na naaadik sa pagblog… madaming reasons – Una kagaya ko to kill time, yung iba siguro sinawaan sa pagcha-chat (narealize siguro na niloloko lang sila ng ka chat nila hehehe) o kaya nabornok na sa kaka answer sa ASL? Do you have a cam? etc etc, Yung iba siguro wala ng ma upload na pictures, bulletin at testimonial sa Friendster, Myspace o Facebook.
Pero madami din ako nausyoso na masasabi kong ok – Una yun kay Chuck, nainspire ako sa blog nya kaya sinipag na din ako mag post. Dati kasi upload lang ako ng upload ng pictures ng mga activities ko. Then thru his blog duon ko nakuha yun link ni Bo and sa kakabasa lalo ako na inspire na gumawa ng journal ko. Isa pang blog na oks ay yun kay AZRAEL (kasi may libreng music na na dadownload hehehe) and nakakatuwa din mga blogs nya lalo na yung tungkol sa music and family.
Ang hindi ko lang masyado nakaaliwan yung mga Hate blogs na nabasa ko and yung mga comments nung ibang nakikibasa na lang salibadyok pa mag comment, mano bang kung wala kang masasabi na makakatulong wag ka na lang mag comment :P. Pero freedom nila yun kaya di naman natin pwedeng pigilan, yun nga lang kung minsan nagkakasagutan na din ng maaanghang na salita. Mabuti na lang at sulat lang yun siguro kung nagkikita lang yung nagsasagutan na yun sa malamang nagsabunutan na hehehe 😛
May mga blogs naman na very informative and yung iba para ka na ding nagbabasa ng mga articles sa dyaryo. Kung minsan nga mas may sense pa yata. Sa mga nag aaspire maging writer or reporter maganda ding praktisan.
Para sa akin naman bukod sa nakakapag palipas ako ng oras gumagaan yung pakiramdam ko pagnagbloblog ako dahil na ishare ko sa kung sino man ang nakakabasa yung feelings ko, yung mga nangyayari sa akin and after sometime nababalikan ko and nakakarealize ako ng mga bagay na kinakapulutan ko ng reasons sa mga bagay-bagay.
Try nyo… create your blog!

Read Full Post »

Pilipinas


An old friend send me the pictures and i am posting them to share with you guys…

Una kong naalala nung elementary pa ako tuwing umaga pag flag ceremony… Kakanta ng Lupang Hinirang at Manunumpa sa Watawat… Recall ko nga kung alam ko pa. “Panunumpa sa watawat, ako’y nanunumpa sa watawat ng Pilipinas at sa Republika na kanyang kinakatawan” patawad pero yun lang ang naalala ko na lines… Pagkatapos mag lelead ng kanta si Ma’am Selarde yung Music teacher namin…”Ang bayan kong tanging ikaw Pilipinas kong mahal Ang puso ko at buhay man Sa iyo’y ibibigay Tungkulin kung sinumpaan na lagi kang paglingkuran ang laya moy babantayan Pilipinas kong Hirang”…

Sa public school lang kaya may ceremony na ganun? Kasi 6 years araw araw tuwing umaga yan ang routine. Kaya nga kahit sa taong lumipas alam ko pa kahit papano yung lines ibang lines. Sana ma recall ng ibang tao yung pagmamahal sa bayan. Sana magkaroon na ng pagbabago.

Patnubayan ka ng Panginoon Mahal kong Pilipinas.!

Read Full Post »