Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Rants’

7am 21 January 2012


feeling sad today… been a week that I am away from my true home… i left my heart at home… i left my heart with you.

Read Full Post »

Feeling Aussie

I really wanted to go to Sydney 😦 … Terribly!

Read Full Post »

hindi ko alam

nagising ako ng alaskwatro ng umaga kung tutuusin dapat mahaba maging tulog ko dahil sa sobrang napagod ako sa maghapong trabaho… matagal na panahon na din akong di nababadtrip katulad ng nangyari sa opisina kanina… hindi kasi ako yung tipo ng tao na mahaba ang pasensya sa mga taong mahilig manggulang… yung dami ng trabaho o yung haba ng oras sa pagtratrabaho kaya kong tiisin kasi babayadan ka naman so pabor din diba? pero yung simpleng trabaho na tumutulong ka na di pa gagawin ng kasama mo yung parte nya ibang usapan na yun…

pero sa ganitong sitwasyon mararamdaman mo pa din yung pagmamahal ng Diyos… simple pero sobra… yung biglang may taong makikilala ka… makakagaanan ng loob at tutulungan ka… yung badtrip mapapalitan ng pasasalamat kasi hindi naman na nya trabaho pero handa ka nyang turuan at tulungan… sa madaling sabi natapos ko naman yung ginagawa ko ayun sa takdang oras… buzzer beater pa nga kung tutuusin… kaya salamat wakil… salamat papa jesus palagi mo ako ginagabayan… at pasensya na din po kung bigla ako napasigaw kanina… alam ko mali yun pero yun lang yata yung paraan para mailabas ko yung badtrip ko.

sa usapang simple… mahirap tanggapin ng ibang tao pag sinabi ko na simpleng tao lang ako, madali akong matuwa… pero hindi nila aakalain yun… akala nila masyado mataas yung standard ko at mahirap akong i-please… ENGGGGGG!!! mali kayo dun…

kagaya ngayon sobra ako natutuwa kasi nakatanggap ako ng regalo 🙂 … dalawang t-shirts… sa di ko alam na kadahilanan … napakaraming t-shirts dito sa amerika pero ang gusto kong isinusuot eh yung mga galing sa pilipinas… kada uwe ko gusto ko may t-shirt ako na galing sa lugar na nilibutan ko sa pinas o ano mag t-shirt na may nakalagay tungkol sa pilipinas… dati lahat yata ng spoof shirts nakulekta ko na… mahigit isang dosenang fmcc shirts at halos lahat ng paborito kong kulay na may burda ng mapa ng pilipinas sa kaliwang dibdib… wala lang uniporme ko na nga sa araw-araw na pag-pasok yun… basta ganun kasimple masaya ako pag yun ang suot ko… yung may kwelyo pag umaga kasi bawal sa opisina kapag walang kwelyo… o simpleng round neck kapag pang gabi ang duty… oo ganun kasimple kasi doon ako kumportable…

hindi ko alam bakit ako nagbla-blog ngayon… matagal na panahon na din akong di nagsusulat, kadalasan puro litrato na lang ang pinopost ko… na mimiss ko din yung sipag na meron ako 3 years ago… pati na din yung mga taong nakilala ko sa pagba-blog… alam ko kagaya ko madalang na din kayo magpost… siguro dahil di naman na ganun kauso… kung gaya ng dati kahit magkakausap tayo araw-araw sa plurk … may panahon pa din tayo para bisitahin yung mga blog natin… mag-iwan ng comment may kwenta man o wala hehehe makapang bully lang… yung dumadami yung nasa blogroll natin pero may panahon pa din tayo para dalawin ang bawat isa… pero ganun talaga ang panahon … lahat nagbabago pero ganun pa man di naman mawawala yung alaala na minsan ayaw mag logoff dahil sa sobrang saya ng kulitan… minsan dumaan yung panahon na pamorningan ang pag-uusap at pagkakaroon ng conference.

kailangan kong huminto… hindi ko alam kung may kabuluhan yung isinusulat ko pero gusto ko lang magsulat pero kailangan kong bumalik sa pag tulog… maya maya lang kailangan ko na naman bumalik sa trabaho.

Read Full Post »

Samot-sari

Dapat ko bang patulan yung idea ng kalungkutan? Papano pagnatulog ako bukas wala na naman … parang nakalimutan ko na kung bakit ako malungkot. Bukas iba na naman yung mararamdaman ko. Andun yung masaya dahil di ko maisip na magkakaroon ako ng mga bagay na di ko naman naisip dati. Yung karamihan sa gusto ko nagagawa ko ng makuha at di pangarapin lang. Masaya pero kagaya ng kalungkutan pwedeng bukas pag gising ko wala na din.

Sa buhay magkaroon ka ng pagkakataon na magkaroon ng kasama … masaya dahil kahit papano hindi ka nag-iisa kapag gumagala. Pero ang bagal naman ng usad… ang hirap din ng hindi ka makakilos mabuti… kasi may kasama ka na kailangan mong hintayin… kung hindi maiiwan mo siya. Dahil duon parang nawawala na din yung saya at naiisip mo na parang mas mabuti pang mag-isa na lang. Atleast walang sagabal… walang humahatak sa iyo at nakakagawa ka ng sariling diskarte.

Nakakawala kasi ng respeto yung taong dapat asahan mo … yung taong kasama mo… siya pa yung mauunang manghina at sasabihing nauupos na siya. Kanino ka pa kukuha ng lakas kung ganon? Pipilitin mong maging matatag pero mararamdaman mo din ang mapagod… at parang lalo kang nanghihina … kanino ka pa sasandal kung wasak na ang pader na inaakala mong sasandalan mo? Yung inaakala mong Hero mo… hindi naman pala.

Minsan akala mo napakahalaga ng isang tao para sa iyo… sobra kang na chachallenge… parang kumbaga isa kang treasure hunter na may mapa at humahanap ng kayamanan… ganun yung thrill. Hindi ka napapagod andun yung excitement at yung powers para magtyaga ka dahil alam mo pag nahukay mo na andun yung baul… Yung hindi ka mapakali sa pag-iisip kung ano ang laman nito… andun yung tuwa, kaba… samot-saring pakiramdam.

Kaso kagaya din ng karamihan … masasawi ka dahil pagkatapos ng ilang taong pagtyatyaga, pamumuhunan ng panahon… pagkatapos mong mahukay ang baul… ng binuksan mo wala pa lang laman.

Read Full Post »

(doh)

Accident – a specific, identifiable, unexpected, unusual and unintended external event which occurs in a particular time and place, without apparent or deliberate cause but with marked effects.

Ke husay ni wiki tumpak na tumpak ang pagkakapaliwanag … at eto nga ang mga marka:

gasgas

gasgas

basag

basag

warat

warat

Ang kawawang Bornoks kakabili ko lang at hindi ko pa nagagamit nakaranas na ng dagok ng tadhana. Nabigla ako at nalungkot ng itext ako ni Nanay na naksidente daw ang kasama namin sa bahay na pinapaturuan kong magdrive. Bigla daw may tumawid na tatanga-tangang nilalang na hindi man lang binabantayan ng isang pabayang nanay na naglalakad ng pasexy sa daan bata at sa kanyang pag-iwas bumangga siya sa isang poste.

Parang umakyat sa 200 over 140 ang dugo ko ng mabasa ko yung text. Imagine kakabile ko lang ng car stereo at kakalagay ko lang sa box na iuuwe ko next week para pagandahin ko ang sounds ni Bornoks ko. Tapos eto ang nangyari. Syempre ang nanay ko nahighblood din dahil alam niya kung gaano ako kaingat sa gamit tapos ibang tao ang makakasira ng gamit ko.

Pero aksidente nga kaya nilibang ko na lang ang sarili ko. Pagka-uwi ko naligo ako at dumiretso ng magsimba… si Papa Jesus lang ang gusto ko kausap sa mga ganitong senaryo ng buhay ko. After ko magsimba nag text ako kay Nanay na huwag na uminit ang ulo at huwag ng pagalitan yung kasama namin sa bahay. Kilala ko si Nanay … parehas kami na pwedeng makapatay yung mga salitang binibitawan kapag mainit ang ulo.

Sabi ko kausapin na lang at sabihin na putiks ka ubod ka ng tanga gusto kitang ipag-umpugan sa pader at paluin ng baseball bat, kung pwede kitang gawing golf ball at paluin ng pitching wedge sa susunod doble ingat ang gawin at palaging presence of mind kapag nagmamaneho.

Pina-estimate na daw nila at 6T ang magagastos para mabalik sa dati. At sabi ko din kay Nanay na wag ng makunsumi pa. Kasi babadtripin mo ba ang sarili mo sa mga bagay na wala ka namang control. Besides isusumpa mo ba o palalayasin ang isang kasama sa bahay na malaki naman ang naitutulong. Nangyayari talaga ang mga bagay na ayaw nating mangyari. Pero kaya nga tinawag na aksidente dahil di naman ito sinasadya.

Ngayon pinadala ko na sa talyer si Bornoks para magawa 3 days lang naman daw at mababalik na siya sa dati. Sabi ko wag na muna ipagamit hanggang sa pag dating ko para naman ma meet ko naman si Bornoks ng maayos. Hopefully bumalik na siya sa kanyang kaaya ayang figure.

bornok

Read Full Post »

Hindi naman sa pag-aano…

Medyo nagsisimula na mag settle ang aking mundo sa bago kong role dito sa opis. Five weeks na rigodon din ang nangyari sa akin:

– dalawang beses ako lumipat ng work place
– ako pa din ang gumagawa ng dati kong task
– kailangan kong mag-aral ng bagong platforms
– at nakakawindang yun dahil nadagdagan na naman ang mga acronyms sa buhay ko
– kailangang mag install ng mga bagong applications
– sampu na ang mailbox na kailangan kong i-check
– apat na sabado ako pumapasok ng dose oras
– bonus pa yung isang sunday na kailangan kong pumasok ng sampung oras

Ngayong week na ito naramdaman ko na medyo nasasanay na ako sa bago kong environment

– Naprapraktis ko na din yun Training ko sa Prepaid
– Nakakadagdag din ng confidence ang mga bagong kaalaman
– Hahaba na naman ang resume ko
– Ang daming pwedeng matutunan (Tyaga lang at kaunting kakulitan ang kailangan)
– Mababawasan na ang panggabi kong gawain dahil mas kailangan daw nila ako sa umaga
– Masaya sa pakiramdam yung meron kang idea sa mga nangyayari sa paligid
– Yun pa lang akala mo na mahirap eh madali lang pag binigyan mo ng pansin

Kasabay ng transition naisulat ko din na sinabayan ko din ng pagtakbo. Bukod sa nainspired ako isa na din sigurong way para maka cope up sa pagbabago, stress, lungkot at kung anu-ano pa.

Naka-adjust na ako … hindi lang siguro naging maganda ang simula ng umaga ko. Una dahil nakasabay ko sa parking yung taong di ko feel. Pinaalis ko na nga sa bahay dahil di ko nakasundo pero lubhang maliit ang mundo at siguro tinuturuan ako ni God ng tunay na kahulugan ng pag aadjust at pagiging flexible.

Kaso nasundan pa ng may mag message sa akin ng ganito:

siya : uy kilala mo pala si XXXX
ako : ah si mate… oo ka-coordinate ko siya sa dws
siya : dws pla hawak nun hehehe…yun ung mga sinusoportahan ko dati. O&M sila s operator…ako ang support nila
siya : nagjoin lang din yun s Company late na..nung namigrate na namin s CS…pero ok din sya..kilalang kilala ako ng mga yan
ako : mabait si mate hindi mayabang
siya : mga kabiruan ko yang mga yan
siya : nung ikakasal nga yan kunin nga daw sana nya ko as one of the ninong ata hehehe…kaso paalis n ko nun
siya : nung naglipat yan ng apt tinulungan ko… nakakaawa kasi
ako : hindi naman siguro nakakaawa, nag aadjust lang
siya: siguro nga

Mahilig akong makipag chat, Actually madami akong naging kaibigan dahil sa YM. Inuumaga pa ako sa pakikipag kwentuhan. Pero hindi ko alam kung bakit itong taong ito binura ko na nga sa friendslist ko dahil hindi ko feel. At alam niya yun dahil ilang beses ng napikon sa mga salibadyok na sagot ko pag nag memessage siya. Pero lubhang matiyaga na mag simula ng conversation.

Nuong una kasi komo bagong kakilala kakaunti lang naman kaming Pinoy dito, syempre nakikisama ako. Nakikipag kwentuhan. Kaso kapag ganito ba ang kausap mo matutuwa ka ba?

siya : uy alam mo bang si ano at si ano ay mag-ano?
ako : hindi ei
siya : oh kaibigan mo yun ei
ako : di ko alam ei
siya : si pilay nagsabi sa akin, item daw yung dalawa na yan
siya : ligawan ko kaya si ano? dapat ako na lang pinatulan niya
ako : eh baka mahilig sa gwapo kaya ganun
siya : hindi naman sa pag-aano huh ako 13k ang kita ko
ako : teka lang bakit mo naman nasabi na sila
siya : no comment

Hehehe naalala ko tuloy si Azrael kapag nagagalit gustong mamalo ng dos por dos sa muka. Ako naman ang trip kong gamitin baseball bat. Meron pa palang hirit na napapailing ako. Actually diniretsa ko na ngang minsan.

siya : %#!&# nakakainis ang boss ko ang daming pinapagawa
ako : talagang ganun trabaho yan
siya : Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah ang dami talaga
ako : de tumanggi ka para di ka matambakan
siya : nakakainis na nga #!*%$# meron pa akong gagawin na isa di pa tapos itong isa
ako : dats layp
siya : ang dami kasi talagang upgrade Waaaaaaaaaaaaaaa
ako : alam mo kaya merong mga emoticon ang yahoo para gamitin
ako : saka nababadingan ako sa mga lalaking Waaaaaaaaaaaaaaaa ng Waaaaaaaaaaaaa
ako : isa pa naaalibadbadan din ako sa mga taong palaging nagmumura sa chat
siya : hindi ako bading huh
ako : no comment

Ng maikwento ko ito sa isang kaibigan ko sabi nya mean daw ako. Pero hindi ko kasi talaga kinaya. Minabuti ko na lang na huwag ng kausapin kaya ko nga binura sa list ko. Kasi ang tendency pag kausap ko eh mamuset na lang ako at sumagot ng wala sa hulog. Pero kagaya ng sabi ko siguro tinuturuan lang ako ni God na maging mabuting tao. o kaya ni jojoke niya ako ngayong araw na ito kasi nakakadalawa na ako. Sana wag naman ako buminggo :P.

Read Full Post »