Feeds:
Posts
Comments

Zoocobia @Clark

Photos from Libot sa Clark

IMG_3730

My HS Reunion

Click the link for more Reunion Photos

DSC_0666

December 26, 2015 – Plaza Leticia Garden

Baguio Ulit

More pictures of Baguio and La Union Libot

IMG_2218

 

Libot sa Baler

Photos of Baler Escapade

IMG_1206

Yung kahit jetlag pa makasama mo lang lumibot and mga kaibigan mo …

I really enjoyed this gimik sana maulit🙂

God is good infinitely good

2

Yung makatanggap ka ng result ng mammogram na ganito … Biglang parang hihinto yung lahat ng bagay sa paligid mo, manlalamig ka, mag-iisip, matatakot.
Habang binabasa ko yung buong results nag ring yung phone ko … Yung Doctor ko at sinasabi na kailangang bumalik ako for Sonogram. Nagpa schedule na ako agad ang pinaka maaga November 5 alas dos ng hapon.

Maaga ako dumating sa Clinic, nag sick leave na kasi ako dahil di ako gaano nakatulog that night … stress kakaisip sa result plus yung pagod at puyat dahil sa pagmomonitor ko sa pamilya ko nasalanta ng bagyong Lando sa Pilipinas.

Malamig yung room, wearing the blue cape pinahiga ako … nagpaliwanag ng procedures tapos sinimulan na yun ultrasound … medyo sinisilip-silip ko pa yung screen. Lumabas yun technician para tawagin yung Doctor na mag-iinterpret ng images. Nipicturan ko yung screen habang walang tao.

1

Then dumating yung Doctor nakipag shake hands at sinabi na I have a small mass sa right breast … sabi naman nya nothing to worry about … she will be honest kung sa palagay nya ay cancer yun … ayun sa kanya Fibroadenoma daw pero dapat pa ding ipa biopsy.

Nagpa schedule na ako agad ng biopsy kinabukasan November 6 1:45pm … Ayoko na kasi patagalin pa na mag-iisip ako kung ano yung small mass na yun.

The following day maaga ako ulit sa Clinic, Again malamig yung room, the usual na explanation ng procedure na gagawin … medyo mas mahaba yung paliwanag saka iba yung pakiramdam ko nung sinasabi na after inject yun pangpamanhid … isang needle ang ipapasok to extract three samples at pagkatapos may maliit na titanium na maiiwan bilang marker ng pagkaka biopsy.

Ganun nga yung nangyari, hindi naman masakit dahil may pangpamanhid pero nakakagulat lang yung click sound everytime nag exxtract ng sample. Tatlong clicks yun.

Nakauwi naman ako ng maayos, parang walang nangyari … Kaso after one hour wala ng bisa yun pampamanhid … Simula ko ng naramdaman yung pain. The whole weekend higa mode lang ako kasi masakit pag gumagalaw.

Dumating yung Lunes kinakabahan at nagdadasal sa resulta ng biopsy … Pero natapos yung maghapon na wala ako natanggap na tawag sa Doctor … Ang hirap ulit matulog. Mabuti na lang may mga kaibigan na nakakausap at nag dadasal para sa akin, yun mga tototong kaibigan na ka close ko na napag sabihan ko ng kalagayan ko.

Martes – 11:36am … Nag ring phone ko … Good News … Benign🙂 Nothing to worry and They’ll just see me for the Annual check.

Salamat sa Diyos … Maraming maraming salamat sa mga nag dasal … Sa wakas wala na ako iisipin at makakatulog na ako ulit ng maayos.

Happy na B-day pa :-)

happiest b-day ever🙂 Thank you God for everything …

Most of my child hood memories happened sa bahay nila Mama Sofing, kapatid na nakaka bata ng lola ko. Halos kaming magpipinsan at mga tita ko duon yata lumaki. Isang malaking bahay na puno ng mga alaala. Duon din nabuo yung closeness between us dahil kami-kami yun magkakalaro – patintero sa gabi, taguan sa loob ng bahay yun papatayin yung ilaw tapos kanya-kanyang style ng pagtatago sa mga sulok. Sa likod ng bahay ay may basketball court duon ginaganap yung mga liga ng barangay. Syempre cheerleaders palagi kasi duon din makikita yung mga crushes namin na magagaling maglaro ng basketball.

Malapit lang din dito yung Isla kung saan nagpupunta kami kasi nakakatuwa yung kahoy na tulay tapos sa ilalim merong mga halaman na pwedeng gawing bala ng sumpit yun may mga design na parang si Pink Five ng Star Rangers. Sa gilid-gilid merong mga gumamela, dinidikdik tapos lalagyan ng sabon para makagawa ng mga baloons gamit yung walis ting-ting na tatalian ng laste. Mapapanuod mo din duon yung mga nagpupustahan sa mga gagamba, patutulayin sa isang stick yung dalawang gagamba tapos kung sino yung mababalot ng madaming sapot talo.

Tuwing Monday masaya kasi may bago akong t-shirt yung promo shirt kung ano yung palabas sa Galore. Mostly nakatatak sa harap yung movies ni Fernando Poe Jr or ni Dolphy at Lito Lapid. Yun kasi yung mga palabas na palaging extended at palaging Standing Room only. Sa likod naman kulay green na print na bilog kung saan andun yun logo ng Galore Theater saka yung dalawang tao na magkaharap, isang umiiyak at isang tumatawa. Kami naman ng mga pinsan ko andun sa pinakaharap sa baba sa may orchestra yung halos maduling ka na kasi kaharap na kaharap mo yung mga artista, nakasalampak naglalaro ng jack stones. Madali kami hanapin ng mga magulang namin kasi duon lang naman kami nakatambay. Pero nung teenagers na duon naman kami nakatambay sa Balcony sa malapit sa may Projector Room, nanunuod kami ng mga nag dadate.

Pag may naka schedule naman na party na gaganapin sa bahay kailangan may dance presentation. Mag chochoreograph yung mga tita ko na mahusay sumayaw … kaming mga bulilit ang back up dancers. Sucsessful naman yung Grease Lighting presentation namin tumabo sa takilya binigyan kami ng pera ng mga manunuod. May repeat performance pa yun kapag dumadalaw mga lolo at lola namin na taga Maynila.

Pero syempre may rules hindi pwedeng puro laro lang. Kapag pinaliguan ka na at sinabi na oras na ng Nap time dapat nakahiga na lahat sa kama, dapat matulog ka kahit di ka inaantok. Kadalasan nakapikit lang ako ng 30 minutes to one hour … siguro ganun din yung mga pinsan ko. Kasi kapag di ka natulog wala kang meryenda.

Then sa hapon balik ulit sa paglalaro habang hinihintay yung simula ng Flordeluna. Kapag Sabado naman ng umaga lahat kami nanunuod ng cartoons syempre yung Super Friends.

Pag wala naman mag-aalaga sa akin, Kadalasan andun naman ako sa Madam Beauty Parlor katabi ng tindahan ng PX Goods ni Aling Mameng. Si Mama kasi ang may ari nuon at duon nagtratrabaho si Nanay bilang beautician. May branch din ito sa Caloocan, Madam House of Beauty naman ang pangalan yung isang kapatid din ni Mama ang may ari si Mama Corazon. Habang may ginugupitan yung Nanay ko yung customer na naghihintay ng turn nya eh either siya yung nag-aalaga sa akin or andun ako sa floor nilalaro yung mga buhok na nahuhulog. Paminsan minsan pag nakakalusot nagpapalagay ako ng cutex duon sa manikyurista si Ate Martha. Pero nagagalit si Nanay tinatanggal agad gamit yung acetone.

Lahat ng ito bumalik sa alaala ko pagkatapos ko ma received yung text ni Nanay, Binalita ng kapatid ko na pumanaw na si Mama Sofing. Nagsimula tumulo yung luha ko kasabay na parang nag flaflashback yung mga experiences ko sa bahay ng lola ko.

Mama Sofing, maramaing salamat sa lahat, sa pagkupkop at sa pag-aalaga mo sa amin … Yung times na ikaw ang pumupunta sa mga recognition days ko sa school kasi nasa abroad si Nanay. Yung pag attend sa PTA meetings saka mga paalala at mga aral tungkol sa buhay. ALam ko ngayon magkapiling na kayo ni Daddy Mar at masayang masaya kayo dyan. May your soul rest in peace.

Mahal namin kayo at palagi kayong nasa aming alaala at mga dasal.

IMG_6800

IMG_0755

1891199_10204701895932948_1931382072137609259_n

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.