Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Litratong Pinoy’

Go Pacman

I was in Gaylord Texan with my friend Gerard. We are supposed to watch the Weigh-In at Arlington but we were late so we decided to go to Gaylord hoping to see Pacman.

Oh well we are not lucky enough but we saw some personalities at the lobby.

Like the two division world champ – Nonito Donaire.

Onyok gave me a nice smile πŸ™‚

Doddie Boy and his wife:

While KC and JDV were kind enough to pose with other Pinoys at the lobby.

I also had a glimpse with Mr. Let’s get ready to rumble – Michael Buffer.

Though I was not lucky enough to see Pacman. Well Markii and I had a great time.

God Bless Manny! Make us all proud again.

Read Full Post »

I took some photos of vintage cars last Sept. 21, 2009 and posted them on my photo blog site. Somebody made a comment that he liked the pictures and that he would like to published them.

“I love your shots of this event and would like to print some of them in our coming edition. Would it be possible to to download printable sized shot with the appropriate credits?

They are quite brilliant, and the blue old car is an extremely rare SS90 of which only around 35 were built!

i said “yeah right” lol.Β  But after exchanging emails and researching on his name. I realized that he was not joking.

Now my photos were published on the 143rd edition of Jaguar Magazine in Australia. For a newbie on photography … I should say that sometimes you just need to be on the right place at the right time πŸ™‚ . I considered it as a blessing not luck at all.

From the Jaguar Magazine website:

“A photographic enthusiast went to a Jaguar event in Texas and innocently shot one of the rarest of all S.S. cars – a 90.Β  We highlight her work.”

Also, one of the photo can be seen at this link. The photo of the blue SS.90.

Here’s the preview of the page. But I do hope that friends from Australia will grab a copy for me πŸ™‚

Read Full Post »

Maligayang Unang Anibersaryo sa Litratong Pinoy. Isang malaking karangalan na maging bahagi ng Litratong Pinoy.

Narito ang aking ang lahok sa buwan ng Abril sa temang Paboritong Litrato.

batanes1

batanes2

Ang Batanes ang isa sa pinaka gusto kong lugar sa Pilipinas. Ito ang lugar na para sa akin ay masarap balik-balikan. Magsasawa ka sa pagpindot sa camera mo dahil kahit saan ka bumaling maganda ang iyong makikikita. Kung gusto mong magpahinga, magmuni-muni, lumayo sa ingay ng mundo… para sa akin Batanes is the place.

Marami akong litratong nakuhanan sa apat na araw kong pamamalagi sa Batanes pero ang dalawang litrato sa itaas ang masasabi kong paborito ko. Una yung kuha ko kay lola. Ang bahay niya ang pinakamatandang bahay sa Batanes. Nakakatuwa siyang kausap palaging may ngiti sa kanyang mga labi.

Pangalawa ay ang kuha ko sa mga batang nadaanan ko habang ako ay naglalakad sa bayan ng Sabtang. Larawan ng kamusmusan, puno ng ngiti at pag-asa.

Read Full Post »

Mahilig ako sa sapatos. Sa kahiligan ko nga dito kapag may crush ako pag pangit ang sapatos niya biglang nagbabago yung isip ko at hindi ko na siya crush πŸ˜›

Naalala ko pa dati siguro dala ng kahirapan yun bang tuwing pasukan dahil kulang sa budget ang nanay yung greg shoes ko ipapashine na lang ulit saka papapalitan ng swelas para magmukang maayos ulit ang itsura niya at pwede na ulit pamasok. Yun din ang ginagamit na pang training sa CAT kaya sulit na sulit. Pag b-day ko saka lang pwede magpabile ng bagong sapatos kaya excited ako pag dumadating na ang October pero syempre yun na din ang pang undas at saka pang pasko πŸ˜› kaya dapat makapili na ako ng the best.

Kaya nang magkaroon na ako ng trabaho sabi ko sa sarili ko lahat ng gusto ko na sapatos bibilhin ko. Pinag-iipunan ko talaga yun. Lalo na akong nahilig ng makapunta ako dito sa US. Dito kasi pagnagpalit na ang season bigla isa-sale na yung mga shoes. Lahat na yata ng klase ng rubber shoes at driving shoes nagkaroon ako. Masipag kasi ako mag-usyoso sa Sale πŸ˜› . Saka syempre nung una andun yung kasabikan ko na magkaroon ako ng hindi ko mabile dati. Nike, Adidas, Puma, Diesel, Lacoste, ColeHaan, Bass, Brooks, Teva, Dr. Martens, New Balance, Aldo, Sperry, Reebok, Nine West, Merrel, Asics etc.

Mas madami kasi yung mga comfortable shoes dahil sa nature ng work ko. Ilan lang yung mga formal na gamit pag may occasion at interview. Mahilig kasi ako sa sports at kada sports may sapatos na para duon. Akala ko dati kahit ano pwede ipang takbo hindi pala… iba pa din yung pang tennis kasi kailangan may support sa gilid at medyo may kalaparan.

At syempre ang peborit ko ngayon ay ang aking golf shoes πŸ™‚

img_1348-copy

img_4605-copy

Medyo kinakarir ko na kasi ang paglalaro kaya dapat comfortable din ang suot. Baka sakaling gumaling ako sa pag swing at palaging mahit ang balls.

Read Full Post »

3 stars and a sun

3 stars and a sun

Pilipino since birth

Pilipino since birth

Hindi na kasing lungkot yung nararamdaman ko ngayon. Di katulad ng una kong nabalitaan ang pagkawala ng aking Idolo. Sinubaybayan ko ang kanyang lamay kahit sa panunuod lang ng mga balita at ng mga tribute sa kanya. Iisa angΒ  sinasabi ng mga tao naging inspirasyon nila si Francis at na malaki ang ginawang marka nito sa buhay nila.

Katulad ng nakararami naging inspirasyon ko si Kiko mula sa pagsasayaw, pagrarap, pagiging hip-hop, pag-guhit, pagpipinta,photography, pagba-blog at sa pagiging proud Pinoy. Kaya naging Life and Thoughts ang title ng blog ko kasi initial ko ay LT, parang sa kanya Free Mind from FM.

Naalala ko nung inirerecord ko yung mga pagrarap niya sa Lovely Nes, yung ginagawa kong pagkabisa sa mga kanta niya. Low tech pa nung araw wala pang internet na pwede mong i google at magkakaroon ka ng kopya ng kanta. Kakailanganin ko pang suyurin ang mga tindahan ng songhits para lang magkaroon ng kopya.

Natutuwa ako sa mga napanuod ko sa TV na mga taong kagaya ko ding fan yung pagtatago nila ng mga litrato ni Kiko, mga clippings at mga albums niya. Ang daming nagmamahal sa kanya. Yun ang nagpawala ng lungkot ko dahil nakikita ko at naririnig ko ang mga likha niya na buhay pa din sa puso ng bawat taong humahanga at nagmamahal sa kanya.

Nagulat din ako sa mga comments na natanggap ko sa huling entry ko tungkol sa kanya. Mga taong hindi ko naman kilala na napadaan dito sa blog ko. Mahigit tatlong taon na akong blogista pero ngayon lang ako nagkaroon ng ganoong kadaming hits. Patunay na napakaraming taong nagmamahal sa kanya.

stat

Habang naririnig ko ang iyong musika at nakikita ang iyong mga katha. Mananatili kang buhay sa aking puso. Dahil sa iyo lalo kong masasabi kung gaano ako ka proud maging Pilipino.

Tama ka idol “Maging Banal at Huwag Hangal.”

from my Idol Francis Magalona

from my Idol Francis Magalona

I am praying for your soul and your family. God Bless Idol!

Love and Peace,
Libay

PS.

Ang litrato ko sa itaas ay kuha ng aking cellphone na ilalahok ko Litratong Pinoy sa temang blusa. Ayun sa definition dapat ito ay blouse ngunit nabasa ko na ang synonym nito ay camicetta. At sa kadahilanan na ipinangako ko na magsusuot ako ng FMCC shirt sa loob ng isang linggo bilang pakikiramay at pagbibigay pugay sa aking idolo kaya ito ang aking ilalahok. Kagaya ng aking nasabi isa siya sa aking inspirayon sa pagkuha ng mga litrato.

Read Full Post »

Paumanhin at hindi ako nakapagbigay ng lahok nuong nakaraang linggo. Lubhang madaming pinagkaabalahan.

Narito ang aking lahok sa buwan ng Marso sa temang Bag.

on the go

on the go

Ang dalawang bag na kasama ko palagi tuwing biyahe. Mapa gala man o tungkol sa trabaho ang aking pupuntahan.

Maligayang Huwebes!

Read Full Post »

Kung nasa probinsiya lang ako gusto ko sanang kuhanan ng litrato yung paborito naming tipanan nuong High School. Malapit kasi sa bayan yung school kaya kapag uwian madaling sumimple na makipagdate bago umuwi sa bahay.

Narito pa din ako sa North Carolina para sa isang emergency work. Nakilala ko ng personal yung Briton na palagi kong nakakacoordinate kapag kailangan ko ng remote hand para magreset ng mga switch. Kasama sa trabaho ang makisalamuha para magkaroon ng magandang rapport sa mga kasamahan. At dahil mahirap uminom at magmaneho at hindi ko din masyadong kabisado ang lugar minabuti ko ng sa bar na lang sa hotel na aking tinutuluyan makipag meet.

Ang aking lahok sa buwan ng Pebrero sa temang Tipanan:

Habang hinihintay ko si Mr. Roger sa aming tipanan.

Wyndham Hotel

Wyndham Hotel

Kung nasa Texas naman ako, palagi ako nakikipag tipan sa mga nakakasabay kong tumakbo tuwing hapon. Palagi ko silang nakakakwentuhan sa upuang ito. Pagkatapos tumakbo o maglakad ng isang milya ito din ang aking paboritong pahingahan habang hinihintay ko ang sunset.

trail

trail

Read Full Post »

Older Posts »