Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Francis M’

Man from Manila

I missed my idol 😦

Francis “Kiko” Magalona

October 4, 1964 – March 6, 2009

Advertisements

Read Full Post »

One Love

I am so happy … Finally I have my One Love shirt…. Yay!!!

One Love

One Love

Million Thanks to Lov … Naks One Love from Lov … o diba? lols … Actually medyo nagkabiruan lang naman kami sa plurk. She was in the Philippines for her vacation tapos sabi ko “Pasalubong huh” 😛 . Pabalik na din kasi siya sa SanFo after a week. Sumagot naman “Ano daw gusto ko?”. Syempre sabi ko “I really wanted to have a Francis M One Love shirt.” Ayun binilhan ako sa Cavite… Dinala sa California at ni-shipped sa Texas… Ayus 🙂

Ah nga pala hindi pa kami nagkikita ng personal lols. Gaya ng sabi ko we’re plurkada but hopefully pag natuloy ang bakasyon namin sa December … I’ll have the chance to personally thank her.

lov note

lov note

May kasama pang lov note … I mean a note from Lov 😛 . She just called a while ago. Kakahiya nadinig nya yung boses ko na halatang kilig na kilig habang sinusukat yung t-shirt nyahahaha. Super saya kasi ako … bale pang number 12 kasi na shirt ito na madadagdag sa collections ko. Syempre pa mukha ni Idol Kiko ang nasa print.

FMCC shirts

FMCC shirts

I am ready to defend the 3 Stars and a Sun.

Read Full Post »

3-6-9-12-15

Remembering my Idol

Remembering my Idol

3    – March
6    – Six
9    – 2009
12  – @12:00 noon
15  – April 15, 2009 (40 days)

I made this sketch as a way of paying tribute to my idol Francis “Kiko” Magalona. Today is the 40th day. May you rest in peace Idol. We love you!

Read Full Post »

3 stars and a sun

3 stars and a sun

Pilipino since birth

Pilipino since birth

Hindi na kasing lungkot yung nararamdaman ko ngayon. Di katulad ng una kong nabalitaan ang pagkawala ng aking Idolo. Sinubaybayan ko ang kanyang lamay kahit sa panunuod lang ng mga balita at ng mga tribute sa kanya. Iisa ang  sinasabi ng mga tao naging inspirasyon nila si Francis at na malaki ang ginawang marka nito sa buhay nila.

Katulad ng nakararami naging inspirasyon ko si Kiko mula sa pagsasayaw, pagrarap, pagiging hip-hop, pag-guhit, pagpipinta,photography, pagba-blog at sa pagiging proud Pinoy. Kaya naging Life and Thoughts ang title ng blog ko kasi initial ko ay LT, parang sa kanya Free Mind from FM.

Naalala ko nung inirerecord ko yung mga pagrarap niya sa Lovely Nes, yung ginagawa kong pagkabisa sa mga kanta niya. Low tech pa nung araw wala pang internet na pwede mong i google at magkakaroon ka ng kopya ng kanta. Kakailanganin ko pang suyurin ang mga tindahan ng songhits para lang magkaroon ng kopya.

Natutuwa ako sa mga napanuod ko sa TV na mga taong kagaya ko ding fan yung pagtatago nila ng mga litrato ni Kiko, mga clippings at mga albums niya. Ang daming nagmamahal sa kanya. Yun ang nagpawala ng lungkot ko dahil nakikita ko at naririnig ko ang mga likha niya na buhay pa din sa puso ng bawat taong humahanga at nagmamahal sa kanya.

Nagulat din ako sa mga comments na natanggap ko sa huling entry ko tungkol sa kanya. Mga taong hindi ko naman kilala na napadaan dito sa blog ko. Mahigit tatlong taon na akong blogista pero ngayon lang ako nagkaroon ng ganoong kadaming hits. Patunay na napakaraming taong nagmamahal sa kanya.

stat

Habang naririnig ko ang iyong musika at nakikita ang iyong mga katha. Mananatili kang buhay sa aking puso. Dahil sa iyo lalo kong masasabi kung gaano ako ka proud maging Pilipino.

Tama ka idol “Maging Banal at Huwag Hangal.”

from my Idol Francis Magalona

from my Idol Francis Magalona

I am praying for your soul and your family. God Bless Idol!

Love and Peace,
Libay

PS.

Ang litrato ko sa itaas ay kuha ng aking cellphone na ilalahok ko Litratong Pinoy sa temang blusa. Ayun sa definition dapat ito ay blouse ngunit nabasa ko na ang synonym nito ay camicetta. At sa kadahilanan na ipinangako ko na magsusuot ako ng FMCC shirt sa loob ng isang linggo bilang pakikiramay at pagbibigay pugay sa aking idolo kaya ito ang aking ilalahok. Kagaya ng aking nasabi isa siya sa aking inspirayon sa pagkuha ng mga litrato.

Read Full Post »

Maaga ako natulog kagabi. Siguro dahil sa puyat nitong nakaraang araw dahil sa nakakawindang na topic namin ng mga kaibigan ko sa internet.

Kaka shutdown ko lang ng pc ko, kakahiga, kakapatay ng lamp shade biglang may nag text sa akin si Lhay “Patay na si Francis M”. Parang may karayom na tumusok sa puso ko. Pero dahil sa matinding antok nakatulog na din ako.

Alas tres ng umaga nagising ako. Di ko alam kung bakit. Usually 6:00am ako nagigising dahil yun ang oras na tutunog na yun alarm ng cel ko. Pagdilat ko nagbukas ako ng laptop. Mabigat yung loob ko dahil ayokong malaman na tutuo yung text ni Lhay. Kaso pag-open ko ng blog ko may out of topic comment si Bro. Utoy. Kung dati kinikilig ako sa kahit anong i comment nya sa blog ko pero this time ang nararamdamam ko pa din ay yung karayom na nakatusok sa puso ko.

Pumunta ako sa PEP at puro yun ang balita. Sa plurk puro ganun din ang timeline. Pagpunta ko sa blog site ni Idol tumutugtog yung Kaleidoscope World di ko na napigilang umiyak ng umiyak. Para akong tanga di naman niya ako kilala … di naman niya ako kaano-ano pero eto ako lumuluha sa kanyang pagkawala. Kasabay ng pagbalik ng mga alaala ng aking kabataan kung papano nagsimula na maging isang fan. Di naman lingid sa mga nagbabasa ng blog ko na ilang entries na din ang na post ko tungkol sa kanya. Ang pag kukulekta ko ng mga casette tapes niya at mga FMCC t-shirts.

Pagbukas ko ng chikka account ko may text si Nanay, and bespren kong si Chi at ate Beng saka yung ex-boyfriend ko na sinasabi na Patay na nga si Idol. Nasa Makati Med din daw kasi sila Ex dahil na confine yung ate niya at nakasabay pa niya sa elevator si Maxine. Isa lang ang naisagot ko sa text nila na para akong tanga na umiiyak. Sabi ni Nanay kaya nga daw niya ako tinext dahil alam niya kung gaano ko iniidolo si Francis, kalooban daw ni God yun para hindi na mahirapan si Kiko.

Habang ginagawa ko ang entry na ito umiiyak pa din ako. Pero kasama sa aking dasal na kaya nangyari ito dahil siguro ayaw na ni God na makaramdam pa ng pain si Francis dahil hindi biro ang kanyang mga pinagdadaanan.

Idol alam ko na masaya ka na sa piling ni papa Jesus at ni God. Salamat sa musika. Salamat sa inspirayon. Wala ng pain. Alam ko diyan ka naman kakanta at mag rarap kasama ng mga angels. I love you Francis … ma miss kita ng sobra. May you rest in peace.

Read Full Post »

FrancisM v2

Sobrang tuwa ko ng magplay pa yung mga old casette tapes collection ko ng mga album ni Francis Magalona. Super crush ko kasi siya talaga and I am into rapping when I was young hehehe. Nagamit ko ang talent ko sa rapping when I ran sa Student Council. May naaliw naman at nanalo din 😛

Bait ng brother ko pinagtyagaan niyang iplay and record yung 6 Tapes tapos niconvert niya as mp3. Yung Rap is Francis M Yo! tape was 20 years old … Nilalagyan ko kasi ng date yung cover and minsan naman may dedication kung sino ang nagbigay. Akala ko display na lang sila pero I am so happy talaga ng ma recover ko pa lahat ng songs. Totoy na totoy pa ang boses ni Francis.

fmtape11

fmtape2

Halata naman sa unang picture yung kalumaan. Halos nabasag na yung plastic cases. Oh well ngayon kasama na sa playlist ko ang mga songs na narecover… Classic 😛 .

Kasama sa itenirary ng bakasyon ko ang pagpunta sa mga stores ng FMCC. Since nasa MOA kami one time dumaan kami sa Neo-Chinatown location to buy some shirts. Cool nga kasi pag bumili ka ng dalawang shirts may libre pang CD.

cd1

Pero yung ibang shirts nakipabili na lang ako sa Broadway. Naka 6 shirts din pala ako hehehe… Di naman ako masyadong fanatic no?

image005

And here are my new collections… Nakaka 12 na pala ako. Eto yung first 6 shirts ko 😛

fmcc1

fmcc22

Love you Francis… God bless… Kaya mo yan Idol!!! alam kong 4th chemo cycle na ang laban mo at alam ko din na malalampasan mo ang lahat ng pagsubok. I’m praying for you.

fmchiarascuro

Read Full Post »

Donate & Feel Great

I feel great today una kasi nabisita ng mga wafoo at super bloggers and blog ko sino pa ba kundi sina Azrael, Bro. Utoy, Bluepanjeet and Badoodles… Sila kasi yung mga peborit bloggers ko. Mga madalas kong usyosohin na blogs. Syempre sina Taroogs, Pot at Kopiko din. Mga blogs na cool!

Donor Pin and Shirt

Donor Pin and Shirt

Give and Get Away

Give and Get Away

 

 

 

 

 

 

Another reason to feel great – Today is my 1 Gallon donation day sa Carter BloodCare. Since 2001 kasi nag dodonate na ako ng blood sa kanila and ang sarap ng feeling na naka isang galon na pala ako.  Yun last two attempts ko kasi na mag donate hindi nila ako pinayagan kasi mababa yun hemoglobin level ko. Donors with hemoglobin values of less than 12.5g/dl may not donate any blood component. The last time kasi 11.8g/dl lang. Sabi dapat kumain ng meat and ayun kanina 13.2g/dl ako.

11-11-08_0932

Sa blood bag na ito inilalagay yung blood component. Pagkatapos ng mini physical exam like checking of body temperature, blood pressure, pulse at hemoglobin level kailangan mo muna sumagot sa questionaire nila. A series of questions which include yung mga place na pinuntahan mo prior the donation kasi may mga country na nasa red list at pag galing ka duon hindi ka din papayagan mag donate.

11-11-08_0939

11-11-08_0938

11-11-08_0942

Medyo matagal din yung process kaya picture picture lang ako lols. Anyways parang project din ng office namin ito. May pumupuntang bus from Carter at dala na nila yung facilities then park lang sa harapan ng office para doon na lang pupunta yung mga employees na gusto mag donate. Pagkatapos ng donation pag papahingahin ka muna ng mga 10 to 15 minutes with some juice and cookies.  Then they will give you a t-shirt.

Ang sarap ng pakiramdam yung alam mo na may maduduktungan kang buhay from your donation. And para sa akin itong ginawa kong donation today is for Francis Magalona. Sana tuloy-tuloy ang kanyang recovery.

Read Full Post »

Older Posts »