Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Food’

Lunch @ Jinbeh

My good friend David and I went to Jinbeh… Love the food. I am pretty sure Sissy will love them too πŸ˜›

First the sushi…

Then we tried Hibachi grill…

And some ice cream too πŸ™‚

Advertisements

Read Full Post »

IV Mabini

Kadalasan mas natutuloy ang mga gimik na hindi pinagpla-planuhan. Last week magkachat kami ni May, One week daw ang bakasyon nya… nagtatanong kung saan ok gumala. Syempre sabi ko “de dito sa Texas”. Sabi niya “o sige punta ako diyan i host mo ako huh”.Β  Sabi ko “eka tawagan ko si Badet”… Ayus 2 hrs advance nga pala ang oras ko kay Badet… nagising ko πŸ˜› . Then i told Badet “Sis libre ka ba next week punta dito si May”. Sabi niya oo … so ayun book ng flight. Tapos call ako kay Allan na wag siya magbook ng libot dahil nga dadating yung dalawa … Thursday afternoon paglabas ko ng office diretso na ako sa airport at ni-pick up ko sila sa DFW.

At syempre kapag more than 10 years kayong di nagkita-kita… ano pa ba ang mangyayari…

Day 1

Day 1

Ano ang topic ng fist night? Ahh… mga pangyayari ng 1st year at 2nd year… Ayus dalawa kaming I-Galaxy ni Badet… talo ang I-Star… First Runner up yata ang I-Galaxy nung intrams kaya di na nakapiyok si May nyahahaha.

Reunion HS-28

2nd Day… syempre galing sa New York at Seattle and mga bisita ko… Kailangan iparamdam ang hospitality ng mga taga Texas. Dapat may masarap na dinner plus padating pa si Allan galing ng trip nya sa Kansas…May kasama pa nga palang photo shoot and the pictures were posted at my photo blog site.

At pagkatapos ng dinner ano ulit ang kasunod?

Day 2

Day 2

Syempre ang mga susunod na topic ay ang mga kalokohan at mga funniest moments nung High School, isama mo na mga teachers at principal at kung anu-ano pang events na nangyari sa CIC.

The following day kahit 2am na natapos ang kwentuhan… inilibot naman namin sila sa Oklahoma. We decided to go to Turner Falls buti na lang may nag cover ng shift ko kahapon. Here are more pictures ng aming mga kwentuhan, kainan at libot. ====> Texas pictures and Oklahoma pictures.

Then at dinner time nagconference call kami with some classmates from US and Canada. Una naming tinawagan si L.A , then si Palaps, Randy, Allan A at Jojo. Sana nga matuloy ang pinaplanong Grand Reunion para mas madaming magkita-kits at siguradong mas riot at pamorningan ang kwentuhan.

Read Full Post »

Litratong Pinoy (4) – Puso

Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat ng manbabasa!

Narito ang aking lahok sa buwan ng Pebrero sa temang Puso:

tatlong puso

tatlong puso

Pagpasok ng buwan ng Pebrero ating mapapansin sa mga pamilihan na karamihan ng kanilang tinda ay mga kulay pula at mga hugis puso. Nitong nakaraang linggo pakagaling ko sa simbahan dumaan ako sa Walmart upang mag-grocery. Naagaw ng mga stuffed toys ang aking pansin bukod sa cute sila ay ibat-iba pa ang mga designs na maaaring pagpilian.

Nakakatuwa ang dalawang malaking teddy bear dahil parang ang sarap nilang akapin. Pero mas nakaka aliw ang pagkakagawa sa unan na hugis puso dahil sa kakulitan ng itsura nito.

Marami pa ding tsokolate na nakalagay sa hugis pusong lalagyan kagaya ng litratong ito.

tsokolate

tsokolate

Maligayang Huwebes!

Patalastas:

Maligayang Kaarawan sa aking kaibigang si Issey!

tsk at bukas pala ay b-day ni Jason “Friday the 13th”

Read Full Post »

Una sa lahat nais kong ipahatid ang taos puso kong pasasalamat. Kasali na ang aking pangalan sa “Mga Litratistang Blogista”. Paumanhin at nakaligtaan kong ilagay sa aking email ang lugar ng aking kasalukuyang tahanan. Dito po ako sa Dallas, Texas πŸ™‚

Narito ang aking lahok sa buwan ng Pebrero sa temang Tsokolate.

Sinlaki ng aking Puso

Sinlaki ng aking Puso

Marahil naha-halata ang aking kahiligan sa tsokolate. Magagalit na naman ang aking duktor kapag tumaas ang resulta ng aking sugar level πŸ˜› . Kaya nais kong ibahagi sa inyo ang tsokolateng ito. Masayang Huwebes!

Read Full Post »

Trip na Trip Day #1

Dec 27 – Subok na ang tibay ni Bornoks B2. Pagkatapos ng akyatan sa Baguio, over speeding sa Subic, todo traffic sa Manila… eto at nakapag roundtrip siya sa Vigan. Parang si B1 na nakapag coast to coast na dito sa US. Pag bumili ako ng bagong car Bornoks ulit ipapangalan ko πŸ˜› .

Isa pang masasabi kong accomplishment ng aking trip was na break ko ang 30 Welcome Signs sa bawat States na napuntahan ko dito sa US. Aba sa dami ng bayan na dinaanan namin sa road trip naka more than 40 ako. To prove it…. hmmmn click this link.

It was a 7 hours drive from Cabanatuan City to Vigan. Masayang mag biyahe kahit medyo ma traffic sa mga bayan na madadaanan. Matitikman mo ang mga tinda ng mga vendors na kumakatok sa bintana ng kotse. Mabibisita mo ang mga Old Churches along the way. Medyo ni skip na namin yung Manaoag Shrine since nadaanan na namin yun when we went to Baguio.

We had our lunch sa Jollibee sa Candon City. Sakto naman na katabi lang yung church and habang nagpapahinga pagkakain pumasok kami. Ang ganda ng loob ng simbahan. May Eifel tower pa sa harapan. Ang gaganda ng mga paintings at stained glass. Panira nga lang yung mga electric fan na kinabit at natatabingan di tuloy mapityuran ng maayos.

Candon City Church

Candon City Church

mini Eifel Tower

mini Eifel Tower

altar

altar

Sumunod na simbahan na nadaanan namin ay ang Sta. Maria Church o Nuestra Senora dela Asuncion. Ayun sa Historical Marker 1769 ito itinayo at nilagyan ng tore nuong 1810.

dsc003641

Sta. Maria Church

Sta. Maria Church

dsc00360

By 2:00pm nasa Vigan na kami. We stayed at Vigan Hotel dahil fully booked na halos lahat ng hotel. Sinubukan namin sa Villa Angela at sa El Juliana pero no vacancy na. Pagkababa ng gamit gala na agad hehehe. Piktyurang umaatikabo sa sa Heritage Village at Calle Crisologo. We attended the 5:30pm mass. Kaso mo Ilocano mass… tsk hindi ko naintindihan pero tinapos na din namin kasi kinabukasan Sunday maaga din ang biyahe to go to Laoag and Pagudpod.

Vigan Hotel

Vigan Hotel

Vigan Cathedral

Vigan Cathedral

Pagkatapos naming kumain ng sinanglaw at barbeque sa may park. Pumila na kami para bumili ng empanada… sayang nga naubusan na kami ng okoy tsk tsk. Tapos bumili din kami ng royal bibingka sa Tiongson para may dessert. Sabi ni bob parang cassava daw ang lasa ng royal bibingka, sabi naman ni nanay tikoy na parang kalamay , sabi naman ni jay puto kutsinta na medyo matigas… sabi ko lang masarap saka ko kinain ng kinain πŸ˜›

Here are the pictures taken during our gala sa Vigan. Click this link <==

Read Full Post »

Pasko at Bagong Taon

Huwaw after 7 years nakapag Pasko at Bagong Taon ulit ako sa Pinas! Ang saya at ang sarap ng pakiramdam na makasama ko ulit yung family ko. Sa wakas kasama ko silang magsimba ng misa de gallo at kasabay kumain sa hapag kainan during Noche Buena at Media Noche.

the durables

the durables

10pm to 11pm ang mass then 11:30pm naghanda na si Nanay ng food at syempre 12:00pm lafang time hehehe. Last Christmas pagkatapos ng kainan mga 1:00pm tumawag si chi yung best friend ko at nagulat ako nagpasundo sa akin at sa bahay daw siya mag sleep. Kahit nakapikit na yung maliit kong mata Go naman ako kasi ang tagal din naming hindi nakapag bonding. Last na uwi ko kasi di swak sa schedule nya dahil madaming activity sa office nila. Sa GSIS kasi siya nag wowork and toxic sila that time.

Syempre ano pa ang gagawin kapag nagbonding … bendisyunan ulit ng liver… at vodka ulit. Kaso nakaka 4 shots pa lang ako pinaghele na naman ako ulit at nakatulog. Buset na buset sa akin si kaps … lols wala talaga ako kwentang kainuman. 10am na kami nagising at sino naman ang bumungad sa akin???

santa

santa

Si Santa!!! … Kaso nga lang sabi sa amin ni Santa “Oist gising na kayo at nakahanda na ang breakfast madami ng naghihintay ng aginaldo sa labas”. Ayus akala ko pa naman ako ang makakareceive ng aginaldo hehehe. Nakagawian na kasi namin every Christmas na magbigay ng mga T-shirts sa mga tenants namin sa apartment at sa jayplay studio saka some goods na pineprepare na nila nanay para sa mga namamasko.

Nakakatuwa ang daming bata na nagmamano kay Nanay tapos ang daming kasama na hindi naman niya kilala. Syempre bibigyan mo din yun kaya sabi ni Santa … hala ang dami nila inde nauubos pero ako ubos na nyahahaha!

Pagkahatid ko kay kaps sa bahay nila nagpunta kami ni Nanay sa puntod ni Inang. Syempre para i greet siya ng Merry Christmas. Saktong 8 months ng kamatayan niya since April 25 siya namatay.

dsc00894

dsc00896

Kinahapunan naman ako naman ang sinundo ni kaps at nag-aya na lumaboy sa Clark. Mabisa talaga ang SCTEX at 45 minutes lang nakarating kami agad duon. Kakabukas lang ng Clark exit kaya ang bilis naming nakarating sa SM Clark. At ano naman ang dinayo namin duon… Syempre ang bibingkinitan… ewan ko ba kung bakit naaadik ako sa bibingka.

me-chi-kenneth

me-chi-kenneth

Bukod sa libreng kape sa Starbucks binilhan kami ni Jun-jun ng Spoof shirts. Bait talaga ni Jun-jun saka wafoo pa at single pa hehehe parang promo. Tsk wala kasing mabiling Wanbol University na t-shirts sa Molecules palagi na lang out of stock. Idol ko pa naman si Bosing… Sana magkaroon ako ng ganun.

me and chi

me and chi

Ay nai-post na pala ni Bubbles ang iba pa naming pictures. Kaya paki click na lang po ang link na ito saka pede nyo din usyosohin ang winter party namin πŸ˜› .

with cuzinz and friendz

with cuzinz and friendz

Walandyo ang trip ng mga pinsan at kaibigan ko. Tumatagaktak ang pawis ko kailangan daw mag scarf πŸ˜› . Abay si Kuya Joel nag Leather Jacket pa. Kaso ito daw ang theme ng party… tsk tsk sana makapunta na sila lahat dito sa US para mabuset sila kapag sobrang lamig hehehe.

Anyways ang saya talagang magbakasyon wala na akong ginawa kundi kumain ng kumain. Siguro mga 10lbs ang nagain ko. At anu-ano naman ang pinagkakain ko??? Hmmmmn eto yung ibang na pityuran kong foodz.

Bago ko pala makalimutan dinalaw ako ni buyoy last Dec. 24. Kasama nya si wifey at ang kanilang cute doggie. Buti pa si Eric dinalaw ako… Tsk si Tina at Basti mukang nagdate at di man lang nagawi sa bahay. Pede naman sanang eat and run o kaya Hi then Bye bye *tampo mode*.

the buyoys

the buyoys

I like his wifey to be… kasi nung pinakilala ako ni Eric na dati nya akong instructor nung college ang sabi nya “Bakit mas mukang mas matanda ka pa sa kanya” Hehehehehe Peace Eric!!!! Saka tenchu sa ham at siomai…. saka sa mga maps ng Malaysia. Malay mo ako naman ang dadalaw sa iyo dun next time πŸ˜› .

dsc00830

At syempre si Mareng Rachy din at si Grace dumalaw sa bahay. Syempre kainan pa din… Kamayan restoran ang dating.

rachy-me-chi-grace

rachy-me-chi-grace

Ano naman ang Christmas wish ko??? Sana po makauwi ako ulit at makapag pasko sa Pinas!

Papa Jesus! Maraming salamat po sa lahat ng mga blessings at mga opportunities, sa good health, sa mga kaibigan old and new na palaging andiyan, sa 160 degrees for 2008 at sa family ko. Naway maging mas masagana ang 2009 at magkaroon ng kapayapaan ang puso ng bawat tao.

Merry Christmas and a Blessed and Peaceful New Year to all!!!

Read Full Post »

Subic Side Trip

Pagkagaling namin ng Baguio the following day I have to go back to Manila para sa pinakahihintay na EB. Sa wakas mami-meet ko na din ang mga friendly friends na ka-blog at ka-plurk ko. Dahil nadala ako sa traffic na inabot ko sa Baliwag, Bulacan … ayaw ko ng dumaan duon.

Mabuti na lang at panalong dumaan sa SCTEX. Medyo malayo ng mga 20 kilometers pero oks lang wag lang sumakit ang binti ko sa pagtapak sa clutch. And since nakakatuwa nga ang daan at pwede ka pang humataw ng humataw kasi kaunti lang naman ang nagdadaan dahil medyo mahal din ang toll fee. 100 yun max speed pero nitry ko mag 140 wala namang nanghuli hehehe. At sa palagay ko mas oks ng magbayad ng mahal kesa naman abutin ng siyam-siyam sa traffic.

SCTEX card

SCTEX card

In 2 hours from Cabanatuan nasa Subic na kami. Actually gusto ko lang naman usyosohin yung The Light House Hotel. Curious lang πŸ˜› . Medyo mahal yung rate considering wala naman masyadong activities na pwedeng gawin sa area na yun. Pero pwede na din may libreng spa naman pag 2 nights ka nag stay.

The LightHouse

The LightHouse

Pagkatapos mag picture picture at mag-ikot ikot sa vicinity. Punta kami sa bilihan ng bibingcute. Syempre may nakapagsabi sa akin masarap daw yun kaya dapat tikman. Kaso lang cute lang siya kaya yung mas malaki ang binili ko.

bibingka

bibingka

Then dumaan kami sa Pure Gold paraΒ  bumili ng Vodka at Red Wine at nagbyahe na din kami papuntang Manila. Medyo hectic ang schedule ko dahil kailangan ko pang dumaan sa Robinson para i renew yung Driver’s Licence ko at kailangan kongΒ  i meet yung dentist ko ng 3:00pm.

Eto pala ang iba pang pictures. <====== Do click the link.

Read Full Post »

Older Posts »